Quantcast

Horoscope, November 14, 2017

By

Para sa may kaarawan ngayon: I-celebrate ang birthday ng hindi masyadong magastos. Sikaping makapagbigay ng tulong sa mga taong mas higit na nangangailangan upang lalo ka pang suwertehin at magkaroon ng mas magaganda pang kapalaran. Mapalad ang 4, 7, 18, 28, 33 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisnah.” Lilac at silver ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Wag patulan ang isang kasamahang atrabida. Mag-concentrate sa ginagawa. Habang nakatutok ka sa iyong ginagawa, magdaratingan ang suwerte at magagandang kapalarang noong mo pa hinihintay. Mapalad ng 1, 4, 16, 24, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Om-Kedemel.” Yellow at beige ang buenas

Taurus – (April 20-May 20) — Nakahanda na ang suwerteng may kaugnayan sa pinansyal. Sa susunod na mga araw malaking salapi ang matatanggap. Sa pag-ibig, hindi dapat na maging emosyonal, gamitin ang rason upang lumigaya. Mapalad ang 5, 18, 23, 33, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Adonai-Elohim.” Pink at lilac ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Kung hindi ka kikibo, paano malalalaman ang gusto mo? Sabihin sa kasuyo ang mga bagay na iyong pinproblema upang matulungan ka niya. Sa patuloy na pagsasalita at pamamasyal kung saan-saan, masasagap mo na ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 2, 16, 27, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Jhana-Om-Nama.” Green at red ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Sa araw na ito gagantimplaan ka ng langit, kusang madadagdagan ang kita habang tumutulong ka sa iyong kapwa. Sa pag-ibig, lalong iinit ang pakikipagniig sa kasuyong chubby at medyo malaki ang katawan. Mapalad ang 8, 14, 22, 26, 35 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Name-Aum.” Gold at orange ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Maglaan ng sapat na salapi para sa kinabukasan ng mga mahal mo sa buhay. Umiwas sa lipunan, ituon ang buo at walang hating pagmamahal sa iyong pamilya. Mapalad ang 7, 12, 22, 36 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Taph-Harth-Om.” Green at yellow ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Mabilis na pagpapasya ang kailangan! May oportyunidad na darating – sunggaban agad. Sa pag-ibig, wag ng pakawalan ang kasuyong isinilang sa buwan ng Oktubre, ka-tugma mo siya. Mapalad ang 5, 18, 25, 37, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yamuna-Om.” Blue at maroon ang buenas

Libra – (September 23-October 23) — May magandang kapalaran ang darating kung ang araw na ito ay sasalubungin ng may ngiti at galak sayong puso. Ngayon pa lang batiiin na ng Merry Christmas ang mga nakatataas sa iyo upang lakihan nila ang bonus mo. Mapalad ang 5, 13, 23, 32, 35 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Om.” Gray at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Ipaliwanag sa kanya ng maayos ang kailangang gawin at kailangan ding ikaw ang masunod, upang hindi na lumala pa ang problema. Sa pag-ibig, mas magiging mapayapa ang isipan kung laging kasundo ang kasuyong mahina ang loob. Mapalad ang 3, 15, 24, 35, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Padma-Om-Pad-Mane.” Lilac at maroon ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Hindi alam ng iyong kasuyo na ikaw ang suwerte sa buhay nya. Malalaman nya rin ito ngayong papasok ang buwan ng Disyembre. Magugulat siya sa kakaibang suwerte at magandang kapalaran mong matatanggap na maaambunan din siya. Mapalad ang 5, 19, 22, 31, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum- Agiel, Om-Zazel.” Magenta at purple ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Walang ibang maasahan ang inyong pamilya kundi ikaw. Kaya obligado kang magpakasipag! Sa pag-ibig, iwasang awayin ang kasuyo, upang wag mapurnada ang mainit na romansa. Mapalad ang 3, 15, 27, 37, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Pink at maroon ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Magiging magara ang kapalaran! Magkahalong lungkot at saya ang darating. Sa pag-ibig, sisisihin ka na naman ng ibang tao sa kasalanang hindi mo naman ginawa. Sa pinansyal, may darating na pera upang maubos din agad. Mapalad ang 3, 9, 29, 33, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Aum-Bodhana.” Lilac at gold ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Pera na naman ang magiging problema! Itigil na ang negosyong hindi naman kumikita. Sa pag-ibig, sundin ang suwestson ng kasuyo, sa simpleng buhay mas madali kayong uunlad at magiging maligaya. Mapalad ang 2, 11, 19, 32, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Budhananda.” White at magenta ang buenas.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement