Bossing kayang-kaya pang buntisin uli si Pauleen kahit senior citizen na | Bandera

Bossing kayang-kaya pang buntisin uli si Pauleen kahit senior citizen na

Ambet Nabus |November 13,2017
facebook
share this

Bossing kayang-kaya pang buntisin uli si Pauleen kahit senior citizen na

Ambet Nabus - November 13, 2017 - 12:10 AM

 

PAULEEN LUNA AT VIC SOTTO

“ANG totoong Bos-sing!” Ito ang reaksyon ni Vic Sotto sa mga nag-congratulate sa pagiging bagong daddy niya matapos manganak si Pauleen Luna.

Aminado nga ang magaling na TV host-comedian na para siyang brand new daddy dahil napakatagal na nga namang panahon nu’ng huli siyang humawak ng sanggol.

“Ganito talaga kapag may totoong blessing!” hirit pa nito sa mga nagsasabing keri niyang makaisa pang baby kay Poleng. Pwede pa naman dahil bata pa ang kanyang misis at naniniwala kaming kaya pa rin ng powers niya kahit senior citizen na.

Napakaganda ng baby girl na isinilang ni Pauleen last Nov. 6 at tiyak ngang magbubuhay prinsesa ang bata lalo pa’t this early ay nag-uunahan na ang mga kaanak at malalapit na kaibigan ng mag-asawa sa pag-pamper sa bata.

q q q

“Not yet. But soon, with your prayers, sana.” Ito naman ang sagot ni Maricar Reyes sa tanong kung buntis na siya sa panganay nila ni Richard Poon.

After kasing magpaalam ang karakter niya sa seryeng La Luna San-gre, marami ang nag-speculate na baka buntis na siya.

Pero dinenay nga niya ito at sinabing hanggang du’n lang talaga ang role niya sa fantaserye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Nasa creative and production na raw kung bubuhayin pa ang role niya.
Marami kasi ang nagsasabing may added glamor and excitement ang Samantha character niya sa La Luna Sangre kaya’t sayang daw na pinatay agad ito.

But then again, wala namang reklamo si Maricar dahil lagi naman daw siyang may project sa ABS-CBN at Star Cinema.

Pero ang pinakahihintay nga raw niyang gampanang role ay yung maging isa na siyang mommy in real life. Kinakarir na raw nila ni Richard ang kanilang “baby project”.

q q q

Siguradong ikinatuwa ng fans nina Elmo Magalona at Janella Salvador ang bago nilang proyekto sa ABS-CBN, ito ngang bagong episode ng fantasy mini-series na Wansapatayam.

Napabalita kasing nagtatampo na ang ElNella fans dahil wala pang follow-up TV show sina Elmo at Janella. Tapos, may tsika pa na itatambal na si Janella kay Hashtag member Jameson Blake at isa pang young actor.

Pero may ilang fans naman ang nagsasabi na tama lang na magsolo muna ang dalawa at mag-try ng ibang ka-partner para mag-grow din sila as artists.

Sa totoo lang, nakakapanghinayang ang ganda at husay ni Janella dahil keri naman niyang maging isang top leading lady ng ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

With Elmo naman, marahil ay tamang role o project ang magawa niya para lumabas talaga ang kanyang versatility. We have seen his work for an MMK episode (kasama sina Yves Flores at Miles Ocampo) and he did good.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending