Quantcast

Ang Kinakasama na ba ang makakatuluyan? (2)

By

Sulat mula kay Jasmine ng Cherry Blossom Village, Tambo, Iligan City
Problema:
1. Ako ay 19 years old na at February 7, 1998 ang birthday ko. May ka-live in partner ako sa ngayon na 10 years ang agwat ng edad namin. Siya ay 29 years old na at isinilang noong October 11, 1988. Sa ngayon ay wala naman kaming problema kaya lang may dati na siyang naka-live-in partner pero hindi naman sila kasal at sabi nya sa akin nakikipag-balikan daw po nang minsang nag-text ito sa kanya.
2. Sabi ko naman sa kanya ay alisin na at i-delete na ang number ng babaeng iyon pero text pa rin ng text sa kanya. Kaya sabi ko ay magpalit na siya ng sim card at nagpalit na siya sa ngayon ng sim card. Natatakot pa rin ako na baka magkabalikan pa sila. Itatanong ko lang kung compatible po ba kami ng kinakasama ko at kami na ba ang magkakatuluyan at forever na kaya ang aming relasyon?
Umaasa,
Jasmine ng Iligan City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aquarius (Illustration 2.) at Libra naman sa kinakasama mo ang nagsasabing compatible kayo. Dahil compa-tible kayo, walang sinuman ang maaaring tumibag sa inyong samahan. Kaya nga malaki ang tsansa na ang inyong relasyon ay magiging panghabang buhay na.
Numerology:
Ang birth date mong 7 ay nagsasabing mahina ang iyong loob at may takot sa iyong puso, kaya namumroblema ka. Subalit ang birth date na 11 ng kinakasama mo ay sadyang tugma sa birth date mong 7. Ibig sabihin hindi lang kayo sa zodiac sign compatible kundi maging sa mga numero, dahil dito, lalong nakumpirma ang pag-aanalisa na sa bandang huli anuman ang mangyari kayo na nga ang pang habang buhay na magsasama.
Huling payo at paalala:
Jasmine ayon sa iyong kapalaran sa kasalukuyan ang pagmamahalan ninyo ng lalaking kinakasama mo ay tunay na matatag. Kaya wala kang dapat na ikatakot o ipag-alala kung nakikipagbalikan man ang dati niyang kinakasama, dahil hindi magtatagumpay ang ganon. Sa halip ang magugulat ka pa nga nito sa susunod na taong 2018 sa edad mong 29, aayain ka ng magpakasal ng kalalaking kinakasama upang lalo pang maging matatag ang inyong pagmamahalan ninyo na nakatakda ng maging forever na magsasama at pang habang buhay na rin kayong magi-ging maligaya.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement