Quantcast

Horoscope, November 11, 2017

By

Para sa may kaarawan ngayon: Malapit na ang pasko at kasabay ng nalalapit na pasko lalapit na rin ang suwerte at magagandang kapalaran iyong buhay. May isang kundisyon lang na hinihingi, sa sandaling lumapit ang suwerte at magandang kapalaran, ipamamahagi mo ito sa iba lalo na sa mga kapos palad. Kapag ganyan ka, lalong darami ang iyong suwerte at magandang kapalaran ngayong pasko at sa taong 2018. Mapalad ang 2, 16, 29, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pulkasa-Om.” Green at yellow ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Iwasan ang mga taong mainitin ang ulo mahahawa ka lang sa kanila. Sa mga masayahin ka sumama, upang sumaya din ang buhay mo. Sa pag-ibig, piliin ang isang nilalang na kayumanggi at medyo kulot ang buhok, sa kanya ka makasumpong ng true love. Mapalad ang 7, 18, 26, 35, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Speculum-Om.”

Taurus – (April 20-May 20) — Upang umunlad, nagpapakasipag ang iba at humihingi ng tulong kung kanikanino. Pero ang sa iyo ay kakaiba, kahit wala kang hingan ng tulong uunlad ka, dahil ang nasa itaas ang tutulong sa iyo. Mula ngayon, ang suwerte at magandang kapalaran ay ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad ang 7, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Puranas-Manu-Diayanas-Om.” Gray at silver ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Sa pag-ibig tuloy-tuloy na magiging maligaya ang pakikipag-relasyon sa isang kaibigang dati ng minahal. Sa pinansyal, mas mabilis kang uunlad at yayaman kung magiging tapat sa sinomang ka-transaksyon at kausap. Mapalad ang 4, 12, 24, 32, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Ratha-Om.” Violet at maroon ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Wag katamaran ang kasauluyang ginagawa. Doblehin mo pang lalo ang pagsisipag upang madoble din ang suwerte at magandang kapalaran. Sa pag-ibig, limutin na ang nakarang kalungkutan, upang magkaroon ng bagong ligaya ngayon. Mapalad ang 6, 15, 23, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Sava-Tasya-Om.” Green at purple ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Iwasang magtaray upang lumapit ang suwerte at magandang kapalaran. Sa pag-ibig, kung lagi kang galit lalo kang malulungkot at papangi. Sa pamamagitan ng ngiti, higit na mas magiging maligaya ang damdamin at masa maging masarap ang relasyon. Mapalad ang 4, 17, 26, 35, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babam-Ke-Balam.” Orange at beige ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Upang maging lubos ang ligaya moderasyon ang dapat. Wag ubusin ang pera sa bisyo at sa blow-out. Magtira para bukas! Sa pag-ibig, hinay-hinay lang sa romansa, ilaan ang libido sa malamig na Disyembre. Mapalad ang 7, 9, 28, 31, 40 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Agiel, Zazel, Yophiel”. Yellow at lilac ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Mag hanap ng mga taong magaganda at simpatiko. Sila ang katulungin mo sa iyong negosyo upang mabilis kang yumaman. Sa pag-ibig kung sa isang maganda o sa isang guwapong nilalang ka makikipag-relasyon, mas masarap na pag-ibig ang makakamit. Mapalad ang 6, 15, 24, 30, 38, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Beauty last forever!” Red at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Maging kampante at ipayapa ang isip, sa ganyang sitwasyon, kusang dadami ang salapi. Sa pag-ibig, ikaw na naman ang susundin ng iyong kasuyo, dahil natatakot siyang umangal at mag sungit ka. Mapalad ang 7, 17, 23, 26, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Malka-Halka-Tetra.” Blue at pink ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Tama ang ginagawa mong paglilibang at pamimili. Sapagkat habang masaya ka, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyong buhay. Mapalad ang 4, 13, 26, 28, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Jahura-Om”. Yellow at green ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Kung lalayo ka sa sinilangang bayan siguradong ikaw ay yayaman. Sa pag-ibig, tapang ang susi upang mahulog ang loob ng kasuyong matagal mo ng tinatangi-tangi – ayain siya sa isang pridabong silid. Mapalad ang 5, 19, 28, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Malka-Tetra-Om.” Maroon at purple ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Kung hindi kakalimutan ang mga nagdaang kabiguan, paano makapagsisimula ng bagong buhay sa ngayon? Inuutusan ka ng langit na kalimutan na ang kahapon at mag bagong buhay ka ngayon. Sa bagong career at bagong pag-ibig, habang buhay ka ng liligaya. Mapalada ng 4, 15, 26, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Na-Me-Om”. Violet at blue ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Pag iipon ng maraming pera ang susi upang umunlad at lumigaya. Kapag may maganda ka ng kita, mag-tabi ng “isang libong-piso” kada buwan. Pagdumami na yan, lalo kang gaganahang mag-savings. Sa pag-ibig, kapag marami ka ng pera, hindi lang ikaw at ang kapareha mo ang magiging maligaya, kundi ang buong pamilya. Mapalad ang 4, 17, 29, 33, 38 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Red at lilac ang buenas.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement