Quantcast

Higit na papalarin sa negosyo kaysa sa pag-aabroad (2)

By

Sulat mula kay Daren ng Telegrafo, Tolosa, Leyte
Problema:
1. Sa ngayon ay nakapagtrabaho ako sa isang iron works company at sa ngayon ay kabisado ko na ang pasikot-sikot dito kasi pinagkatiwalaan ako ng aking amo. Balak ko sanang magnegosyo, kaya lang wala pa akong malaki-laking puhunan. Pero bigla naman dumating yong kumpare kong nag-seaman at opisyal na siya ngayon sa barko.
2. Inaaya niya ako na mag-barko, kaya naisipan kong sumulat sa inyo upang itanong kung saan ba ako dapat mag concentrate sa pagnenegosyo o mas magandang sumampa na lang ako sa barko? Sana maituro mo sa akin kung saan ako higit na papalarin, sa pagnenegosyo ba na may kaugnayan sa iron works o sa pagbabarko? December 26, 1982 ang birthday ko.
Umaasa,
Daren ng Tolosa, Leyte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) ay nagsasabing sa produktong matitigas tulad nga ng bakal, welding shop, tornohan ng bakal at iba pang kauri nito, doon ka yayaman at aasenso paglipas ng siyam na taon mula ngayon.
Numerology:
Ang birth date mong 26 ay nagsasabing sa umpisa ng pagtatayo ng negosyo ay sadyang mahirap, ngunit basta natuto kang magtiis-tiis at konting sakripisyo makikita mo pagsapit mo ng edad mong 44 pataas, magugulat pa sila sa iyo, tulad ng nasabi na, papaunlad na ng papaunlad ang iyong negosyo hanggang sa tuluyan ka ng yumaman.
Luscher Color Test:
Mapalad ka naman sa kulay na berde at ito ang dapat mong gamiting kulay sa itatayo mong negosyo. Sa nasabing kulay mas madali mong mahihigop ang suwerte at maraming pera sa panahong tumatakbo na ang iyong negosyong iron works.
Huling payo at paalala:
Daren ayon sa iyong kapalaran ang dapat mong gawin sa ngayon ay hiraman ng puhunan ang kumpare mong kabababa lang ng barko na nag-aaya sa iyo para mag-seaman. Ipaliwanag mo sa kanyang sa naiisip mong negosyo, mas madali kang uunlad at yayaman dahil ang “iron works” ang talagang hilig mo. Kapag nagawa mo yan, nakapagsimula ka ng sariling negosyo makikita mo lilipas ang mga siyam o sampung taon pa, sa 2026 o kaya’y 2027, maunald na maunlad na ang iyong negosyo, kasabay nito hindi mo rin mapapasing sa na banggit na panahon sa edad mong 44 pataas, unti-unti ka na palang yumayaman at papayam pa ng payaman.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement