Quantcast

BF vs officemate

By

DEAREST Ateng Beth,

Gulong-gulo po ako ngayon. I am into a relationship, medyo matagal-tagal na rin po kami ng BF. And I think mahal ko naman talaga siya. But these past few days ay napapaisip ako kung love ko nga siya, dahil there is one guy from the office na pinopormahan yata ako.

Hindi man siya diretsong nanliligaw pero nararamdaman ko po na may gusto siya. And ako rin ay parang may gusto na rin sa kanya.

Siya ang lagi kong kasama tuwing lunch break. Marami na rin kaming napagkuwentuhan about our personal lives. Wala naman siyang asawa.

Madalas na siyang magyayang lumabas at sumasama naman ako. Dahil don, nawawalan na ako ng time sa BF ko, pero parang di naman din niya napapansin. Pagpapatuloy ko pa po ba itong kahibangan na ito with other guy o sa BF ko na parang wala naman yatang paki sa akin?

Diane, Pasig City

Naku Diane, parang gusto kitang batukan, nang magising ka sa iniilusyon mo.

Pero true naman talaga na nakakapagpakilig yung sa kabila na taken ka na ay may nag-iinterest pa rin sa iyo. Iyon ay kung interesado nga ba sa ‘yo.

Sa tingin ko medyo nabubulagan ka lang sa guy na ito dahil naikukumpara mo yung BF mo na medyo nawawalan kamo ng time sa iyo diyan sa guy sa opis na nabibigyan ka ng pansin.

Diane, baka naman friend lang ang hanap sa iyo ng guy na iyan at namimis-interpret mo lang. At dahil hindi ka nga napapansin ng BF these days, nagiging KSP ka tuloy, at espesyal agad ang pakiwari mo sa pakikitungo sa iyo ng ka-officemate.

Bago ka pa pumatol diyan sa guy sa opis, bakit hindi mo muna kausapin ang iyong BF. Sabihin mo ang nilalaman ng iyong kalooban, yung feeling mo na hindi ka na niya pinapansin. O kung talagang wala ka na bang nararamdaman para sa kanya.

Maging bukas ang isip sa magiging paliwanag niya. We never know na may dinaramdam o may problema siya na hindi niya masabi sa iyo. O kaya naman ay baka gusto na niyang makipagkalas sa iyo. Then at least alam mo ang totoo, and from there you can start a new chapter of your life.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement