Walang kwentang barangay vs street vendors

By Ira Panganiban November 10,2017
share this

Walang kwentang barangay vs street vendors

By Ira Panganiban November 10,2017
share this

NITONG mga nakaraang buwan ay abala si Metropolitan Manila Development Authority Chairman Danny Lim sa paglilinis sa mga kalsada ng Metro Manila mula sa mga obstructions. Kabilang na rito ang mga illegal structures at ambulant vendors na sinakop na ang mga sidewalk kaya walang madaanan ang mga pedestrians.

Sa ilang mga lugar, pati kalsada ay nilamon na rin ng istrakturang ito kaya wala nang madaan ang mga sasakyan. Ang masakit nito, walang ginagawa, o nagagagawa, o gustong gawin ang mga local government officials, gaya ng mga barangay chaiman, para linisin ang mga kalyeng ito upang mapagaan ang daloy ng trapiko sa mga lugar nila.

Halimbawa na lang ay itong barangay ng Baclaran kung saan ang kalahati ng Roxas Boulevard ay sinakop na ng mga ambulant vendors. Yung kabilang kalahati naman ay kinain naman ng mga pampublikong bus, kaya ang trapiko ay halos hindi na dumadaloy.

Noong Lunes ay ipinalinis ni Chairman Lim ang Baclaran sa mga vendors at illegal jeep at bus terminals. Mabilis na sumunod ang mga pampublikong transportasyon pero ang mga illegal vendors ay nakipag-away pa sa MMDA. Ang dahilan nila, gaya nang dati: Naghahanapbuhay lang sila at wala silang ginagawang mali. Laging depensa ng mga ito, kaysa naman sa magnakaw sila ay OK na lang maging illegal vendor.

Dito galit si Lim, dahil kahit ano pa ang palusot ng mga ito, iligal pa rin ang ginagawa nila at dapat itong ihinto. Sabi ni Lim, hindi dahil nakasanayan at matagal ng tolerated ay nagiging tama ito. Ang masakit sa sistemang ito, yung mga local government officials ang mismong may kasalanan kung bakit lumala sa sobrang nakakasirang lebel ang maling gawain na ito.

Sa kaso ng Baclaran, takot ang barangay Chairman sa mga illegal vendor, dahil nakasalalay sa kanila ang boto sa darating na eleksyon. Kaya, hayun, hindi nila pinipigil ang mga ito.

Meron namang kaso na ang barangay officials mismo ay kumikita sa mga illegal vendors kaya hindi nila ginagalaw ang mga ito.

Ang iba naman ay tamad lang na gumalaw at masaya na sa posisyon kaya walang improvement ang nasasakop nila. Meron din na ginamit na nilang bahay, negosyo o opisina ang kalye kaya ayaw nila ayusin ang mga sagabal sa lansangan.

Ang traffic sa Kalakhang Maynila ay isa sa pinakamalaking problema ngayon at malaking ugat nito ang obstructions na nais lutasin ni Lim. Pero habang walang kuwenta ang mga barangay officials natin pagdating sa problemang ito, mananatiling sakit ng ulo ito ng MMDA.

Auto Trivia: Gaano ba dapat kadalas palitan ang fuel filter? Kailangan malinis ang fuel filter para malusog ang pagsunog ng gasolina ng ating kotse. Ang rekomendadong schedule ng pagpalit ng fuel filter ay kada-20,000 o 40,000 kilometers. Madalas ay makikita naman ito sa “owners manual”.
Kung hindi sigurado, gawin ito tuwing ika-dalawang taon para masiguro ang kalinisan ng sinusunog na fuel ng kotse niyo.

Para sa komento o suhestiyon sumulat lamang sa irie.panganiban@gmail.com o sa inquirerbandera2016@gmail.com

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending