Mahaderang reporter feelingerang maganda

By Den Macaranas November 10,2017
share this

Mahaderang reporter feelingerang maganda

By Den Macaranas November 10,2017
share this

MARAMI ang nakakapansin sa kaartehan ng isang reporter sa beat o area of assignment na kanyang kino-cover.

Mistulan kasing siya ang reyna sa grupo ng mga mamamahayag na kanyang ginagalawan.

Okay lang sana kung siya ay maganda pero hindi ito mangyayari dahil siya ay isang lalaki pero ang feeling niya ay isa siyang girl.

Dati na siyang kinakantyawan ng mga kasamahan sa industriya na miyembro ng “pederasyon” na magladlad na pero ayaw ni Mr. Reporter dahil hindi naman daw siya baklita.

Kaya mula noon ay lagi na siyang naka bodyfit na shirt o polo shirt para nga naman macho ang dating niya sa ere kapag siya’y nagrereport.

Kamakalawa, sinabi ng aking Cricket na gumawa na naman ng eksena ang barakikay na reporter na bida sa ating kwento.

May mga nahuling illegal recruiter ang isang law enforcement agency ng ating pamahalaan kaya natural na puntahan ito ng mga reporter sa kanilang area.

Makaraan ang interview marahil ay tinatamad na ang beauty na ating bida kaya kinausap niya ang kanyang mga kapwa reporter na ibangko ( huwag munang ilabas ang balita) na lang at kinabukasan na ilabas ang istorya.

Natural na hindi pumayag dito ang isang bagito pero magaling at magandang reporter na kanyang pinagsabihan na huwag munang ilabas ang istorya.

Dito na lumabas ang pagiging matabil at mataray ng ating bida at noon din ay idineklara na niyang persona-non-grata ang nakasabay sa coverage na bagong reporter.

Sinabi ng aking Cricket na malamang daw ay nainsecure ang ating bida sa itsura ng bagong reporter na nakasabay niya sa coverage o kaya naman ay gusto niyang magpa-areglo sa mga nahuling suspek para hindi na ilabas ang balita sa media.

Ang paruparong buking na bida sa ating kwento ngayong araw ay si Mr. B…..as in Bawang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending