Janno, Angeline magpapasabog ng katatawanan sa Probinsyano | Bandera

Janno, Angeline magpapasabog ng katatawanan sa Probinsyano

Ervin Santiago |November 10,2017
facebook
share this

Janno, Angeline magpapasabog ng katatawanan sa Probinsyano

Ervin Santiago - November 10, 2017 - 01:10 AM

JANNO GIBBS AT ANGELINE QUINTO

PASOK bilang special guests sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin sina Angeline Quinto at Janno Gibbs. Umapir na last Wednesday ang dalawa sa number one primetime series ng ABS-CBN bilang magkapatid.

Kung sobrang bigat at matitinding aksyon ang napanood sa mga huling episode ng FPJAP, patatawanin muna ng tropa nina Coco ang manonood sa pagdating ng karakter nina Janno at Angeline, idagdag pa ang gaganap na magulang nila sa kuwento na sina Irma Adlawan at Rico J. Puno.

Sa nasabing episode, gaganap na snatcher si Angeline na nambibiktima ng mga taong nagwi-withdraw ng pera ngayong Christmas season. Gagampanan naman ni Rico J ang role ng dating rebelde na nagbalik-loob na sa pamahalaan para sa tahimik na buhay.

Siguradong magiging riot ang mga eksena nina Angeline, Janno at Coco sa mga susunod na episode ng serye.

Ang tanong, ito na nga ba ang hudyat ng pagbabalik ni Janno sa ABS-CBN matapos ang ilang taong pamamalagi sa GMA 7 at TV5? Abangan!

Napapanood pa rin ang FPJ’s Ang Probinsyano sa Primetime Bida pagkatapos ng TV Patrol.

Samantala, hindi pa rin matibag-tibag sa pagigign number one ang serye ni Coco kasama sina Susan Roces, Yassi Pressman, Jaime Fabregas, Jhong Hilario, Lito Lapid at marami pang iba.

Sa katunayan, noong Nov. 7, nakapagtala muli ito ng napakataas na rating (44.2%) base na rin sa survey ng Kantar Media, kung saan napanood ng mga Kapamilya ang intense na labanan nina Cardo (Coco) at Romulo (Lito Lapid).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending