Bus nagliyab sa SLEX

By Liza Soriano November 07,2017
share this

Bus nagliyab sa SLEX

By Liza Soriano November 07,2017
share this

NASUNOG ang isang provincial bus sa Muntinlupa na nagresulta sa pagkakanuhol-buhol ng trapiko sa South Luzon Expressway kaninang umaga.

Ani Barbara Aragon, tagapagsalita ng SLEXm, naganap ang insidente sa southbound lane ng Alabang Viaduct, sa harap.ng Asian Hospital, Brgy. Alabang, alas-10.

Agad nagbabaan ang mga pasahero ng JAC Liner nang umusok ang bus. Nakababa na ang mga sakay nang tuluyang itong nagliyab.

Dali-dali namang naapula ang apoy ng mga rumespondeng pamatay-sunog.

Walang nasaktan sa pangyayari.

Iniimbestigahan na ang sanhi ng sunog.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending