'Ending' ng KenBie movie dapat namnamin ng mga fans | Bandera

‘Ending’ ng KenBie movie dapat namnamin ng mga fans

Jun Nardo |November 08,2017
facebook
share this

‘Ending’ ng KenBie movie dapat namnamin ng mga fans

Jun Nardo - November 08, 2017 - 12:10 AM

LOVE is in the air sa premiere night ng Barbie Forteza at Ken Chan movie na “This Time I’ll Be Sweeter” nang magkaroon ito ng premiere night last Monday sa SM Megamall Cinema 7.

Hindi pilit ang hatid na kilig ng dalawa sa big screen kaya naman ‘yung fans na nanood ay walang tigil ang sigawan at tilian sa mga eksenang ‘yon ng mga idolo. Bitin nga lang sila sa lips to lips ng KenBie dahil pahapyaw lang ang nangyari.

Pero kuntento na sila sa romansa nila lalo na sa mga eksenang nagsusumbatan sila kapwa. Lutang na lutang ang galing ni Barbie sa dramatic moments niya at ‘yung ending ng movie ay something na kailangan n’yong namnamin!

Nakakuha rin ng magagaling na suporta sina Barbie at Ken kina Thea Tolentino, Kim Rodriguez at iba pang cast. Maiksi lang ang role ni Thea at walang masyadong hysterics sa komprontasyon nila ni Barbie. Pero ang galing nilang dalawa, huh!

Light lang ang role ni Kim pero ang ganda ng rehistro niya sa screen. First movie niya ito at puwede siyang maging nymphet pag binigyan pa siya ng break sa movies, huh!

Kuwento ng paasa at umaasa sa pag-ibig ang hatid ng “TTIBS” mula kay direk Joel Lamangan. Pang-fans ang istorya pero hindi nabitin ang manonood sa romansa nina Ken at Barbie pati na sa madadramang eksena.

q q q

Mas pasabog at mas maraming pasiklab sa bagong primetime series nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali sa GMA para sa 2018. Mas mature ang kanilang characters kaya hindi mabibitin ang fans sa mga eksenang pakilig.

“Everytime na may bagong character kami ni Bianca, we make sure na mas iba ‘yung nakikita nila para mas maintindihan nila ‘yung story at hugot ng character,” saad ni Miguel.

Ang catch sa kuwento, meron daw itong supernatural touch. But more than the story, winner din ang nasa cast gaya nina Gloria Romero, Christopher de Leon, Jean Garcia, Alfred Vargas, Gardo Versosa at Marvin Agustin.

Ang series din ang magsisilbing comeback ng magaling na aktres na si Carmina Villaroel, mula ito sa direksyon ni Don Michael Perez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending