Relasyon nina James at Nadine fake | Bandera

Relasyon nina James at Nadine fake

Cristy Fermin |November 08,2017
facebook
share this

Relasyon nina James at Nadine fake

Cristy Fermin - November 08, 2017 - 12:01 AM

MINSAN nang may nakapagkuwento sa amin na hindi raw naman mahal ni James Reid si Nadine Lustre. Ang naging barometro ng aming source ay nu’ng minsang mag-cover sa isang glossy magazine ang sikat na loveteam.

Sa kabuuan daw ng pictorial ay wala silang naramdamang kahit anong emosyon mula kay James para kay Nadine. Ang babae raw ang lapit nang lapit sa lalaki pero parang wala namang pakialam ang bagets.

“Nagsimula at natapos ang pictorial na wala kaming nakita or napansing pagke-care man lang ni James kay Nadine, as in, wala talaga! Deadma lang siya, palaging nasa phone, palagi siyang may kausap kapag breaktime.

“Nakakaawa nga si Nadine, siya ang parang trying hard na trying hard sa paglapit-lapit kay James, nagpapaka-sweet siya pero wala man lang ginagawa si James to please her,” kuwento ng aming source.

At ngayon nga ay lumulutang na ang kuwentong hindi naman totoo ang sinasabing pagmamahalan ng magka-loveteam. Para lang daw sa kanilang career ang lahat pero ang totoo ay hindi naman mahal ni James ang dalaga.

Nalalagay sa negatibong posisyon ngayon si James habang marami namang naaawa kay Nadine na ginagawa na nga ang lahat-lahat pero ni hindi naman pala siya pinahahalagahan ng binata.

At ‘yung kuwentong inilabas ng isang kaibigan ni James tungkol sa kawalan nito ng emosyon kay Nadine ay ipinalalagay ng kanilang mga tagahanga na si James Reid din mismo ang pinag-ugatan.

Sigurado raw na si James Reid ang nagsasabi nu’n sa kanyang mga kaibigan, ito raw ang source, wala nang iba pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending