Angelica nagpa-tattoo sa kamay at paa | Bandera

Angelica nagpa-tattoo sa kamay at paa

Reggee Bonoan |November 08,2017
facebook
share this

Angelica nagpa-tattoo sa kamay at paa

Reggee Bonoan - November 08, 2017 - 12:01 AM

MARAMING nag-like at nag-comment sa Instagram photo ni Angelica Panganiban kung saan ipinakita niya ang kanyang pagpapa-tattoo.

Matapos mag-celebrate ng kanyang 31st birthday, nagpa-tattoo nga ang aktres sa kanyang wrist (letter A) at sa kanyang ankle (tila pakpak ng anghel). Nag-share rin siya ng video kung saan mapapanood ang proseso ng kanyang pagpapalagay ng tattoo.

Bago ito, nag-post ng mahabang mensahe sa kanyang IG si Angelica tungkol sa mga pinagdaanan niya sa buhay at ang pagtanggap niya sa katotohanan ng buhay.

“Natapos ang lahat mag mula nang tinalikuran ko ang sakit. Mag mula nung hinarap ko ang sarili ko. Kinilala at minahal. Ang pinaka magandang regalo pala talaga ng buhay ay ang mahalin ang sarili,” bahagi ng kanyang post.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending