Angelica: Mas masarap ang maging malaya at unahin ang sarili! | Bandera

Angelica: Mas masarap ang maging malaya at unahin ang sarili!

Alex Brosas |November 07,2017
facebook
share this

Angelica: Mas masarap ang maging malaya at unahin ang sarili!

Alex Brosas - November 07, 2017 - 12:01 AM

ANGELICA Panganiban, in a post-birthday message to herself, posted, “Natapos ang lahat mag mula nang tinalikuran ko ang sakit. Mag mula nung hinarap ko ang sarili ko. Kinilala at minahal. Ang pinaka magandang regalo pala talaga ng buhay ay ang mahalin ang sarili.

“At mahalin ang mga taong nagbibigay ng halaga sa ano ka, at paano ka at sino ka. Mas masarap pala ang maging malaya. Mas masarap pala na unahin ang sarili. Pwede palang maging madamot.

“Pwede palang hindi na abusuhin. Pwede palang tumalikod. Pwede palang mang iwan. Pwede palang tumawa ng wagas. Maging masaya dahil masaya ka lang. Pwede mo palang mahalin naman ang sarili mo. Madami palang pwede.

“Pero ang importante, pwedeng maging maligaya at hindi na kailangan umasa sa iba. Maraming salamat sa lahat ng nag tyaga sakin. Salamat sa lahat ng nagparamdam ng pagmamahal sa makubuluhang araw ng buhay ko. Pangakong itutuloy ko ito. Ang mahalin ang sarili ko.”

With that ay marami ang pumuri sa aktres because she has empowered some women who also went through trials in their personal lives.

Malalim ang pinaghuhugutan ng emote ni Angelica as she’s been into two failed relationships, kabilag na ang naging controversial love affair nila ni John Lloyd Cruz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending