Quantcast

Magiging boyfriend ba si Crush? (2)

By

Sulat mula kay Andrea ng Bagbag, Novalihces, Quezon City
Problema:
1. Isinilang po ako noong May 7, 1999 at may classmate po ako na isinilang noong September 11, 1991 na tawagin na lang nating Jacob. Lihim ko po siyang crush pero hindi ko po alam kung may crush din siya sa akin. Ang alam ko lang ay tuwing magka-klase kami ay lihim siyang nakatingin sa akin. Para hindi siya mahiya, kunwari ay hindi ko na lang napapansin na tinitingnan niya ako. Mula noon ay nagkagusto na rin po ako sa kanya.
2. May chance kaya na maging kami at kapag nagkaroon kami ng relasyon, kami na kaya ang magkakatuluyan? Ni minsan po ay hindi pa ako nagkaka-boyfriend, siya na kaya ang una at huling lalaking aking mamahalin?
Umaasa,
Andrea Quezon City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) at Virgo naman si Jacob na crush mo ay nagsasabi na sadyang tugma at compatible kayo dahil ang Virgo at Taurus ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong earth o lupa. At dahil compatible kayo, malaki ang tsansa na pagdating ng Nobyembre, Disyembre o kaya’y Enero tuluyan nang kayo ay makabuo ng isang makabuluhang relasyon.
Numerology:
Bukod sa zodiac sign, kapansin-pansing ding ang birth date mong 7 ay tugma rin sa birth date na 11 ni Jacob na lalaking crush mo. Kung saan, maraming datos na ang nalikom, na silang isinilang sa petsang 7, 16 at 25 ay nakakatuluyan at nagiging kasintahan silang isinilang sa petsang 2, 11, 20 at 29. Ibig sabihin, kung tutuusing mabuti, sadyang tugma at compatible talaga kayo na magiging daan upang sa malapit na mga araw, tuluyan nang mabuo ang isang masaya at meaningful relationship.
Luscher Color Test:
Upang matiyak na magkakabuo kayo ng masayang relasyon lagi kang gumamit ng kulay na berde at asul. Ang nasbing kulay ang hihigop ng puwersa upang lalo pang magka-crush sa iyo si Jacob.
Huling payo at paalala:
Andrea, ayon sa iyong kapalaran, hindi matatapos ang buwan ng Nobyembre pinakamatagal na sa buwan ng Disyembre o bago sumapit ang Pasko ay magandang kapalaran tungkol sa pag-ibig ang dadalaw sa iyong karanasan. Magiging boyfriend mo ang lalaking crush mo hanggang sa tuluyan na kayong makabuo ng isang maligaya, nakakikilig at pang habang buhay na reasyon.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement