Maine apektado sa mga naglalabasang litrato nina Justin Bieber at Selena Gomez: Hu-huhuhu! | Bandera

Maine apektado sa mga naglalabasang litrato nina Justin Bieber at Selena Gomez: Hu-huhuhu!

Jun Nardo |November 03,2017
facebook
share this

Maine apektado sa mga naglalabasang litrato nina Justin Bieber at Selena Gomez: Hu-huhuhu!

Jun Nardo - November 03, 2017 - 12:01 AM

MAINE MENDOZA

VIRAL sa social media ang photos nina Justin Bieber at Selena Gomez na may sweet moments habang nakasakay sa bike kahapon.

Balitang break na sina Selena at Abel Tesfaye o mas kilala ngayon bilang si The Weeknd. Kaya ang feeling ng ibang netizens, mukhang nagkabalikan na sina Justin at Selena.

Isa sa affected sa balitang ito si Maine Mendoza na certified Justin Bieber fan base na rin sa inilabas niyang book. Kaya naman hindi niya natiis na magkomento sa Justin-Selena fotos na na lumabas sa Twitter.

“Idk (I don’t know) how to feel about this. Hu hu huh! Tanggap ko na kasi ang Abelena (Abel-Selena) and I love both Abel and Selena as individuals. So ewan ko affected ako bat ba,” unang tweet ni Maine.

Ayon sa naglabasang reports sa ilang foreign blog sites, naging malapit muli sina Justin at Selena nang malaman ng singer na sumailalim sa kidney transplant ang ex-girlfriend dahil sa sakit nitong lupus.

Sa huling tweet ni Meng, “Kung saan at kung kanino happy si Selena support ako kasi diba ganun naman dapat.”

Kahit milyon ang umiidolo, hindi pa rin nawawala kay Meng ang pagiging fan at heart, huh!

q q q

Nasa Washington, Connecticut naman ang location ni Anne Curtis sa latest post niya sa Instagram kahapon. Ipinagmalaki naman niya ang engagement ring na bigay ng fiancée na si Erwan Heussaff sa panahon ng autumn.

Bago ang post na ‘yon, nasa Seoul, South Korea ang magdyowa. Feeling ng followers niya eh, sa SK ginawa ang pre-nuptial photos nila dahil very cheesy ang kanilang mga litrato lalo na sa Nami Park at isang talahiban, huh!

Super-secret pa rin kasi ang detalye ng kasalang Anne at Erwan. May nagsabing sa Nov. 12 na magaganap ‘yon. Eh, hindi pa naman nagliliparan ang mga kaibigan ng dalawa kaugnay ng kasal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala naman tayong magagawa kung sarilinin nila ang kanilang kasal, huh! Hindi rin naman makakatiis ang mga ‘yan at friends niyang ilabas ang fotos sa kanilang social media account, huh!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending