Willie ginagawa ang lahat para makabalik si Kris sa TV | Bandera

Willie ginagawa ang lahat para makabalik si Kris sa TV

Cristy Fermin |November 03,2017
facebook
share this

Willie ginagawa ang lahat para makabalik si Kris sa TV

Cristy Fermin - November 03, 2017 - 12:10 AM

KRIS AQUINO AT WILLIE REVILLAME

MAINGAY ang ikot ng balita na si Kris Aquino na raw ang magiging co-host ni Willie Revillame sa kanyang matagumpay na game show, ‘yun daw ang dahilan kung bakit ilang araw na sinolo lang ni Willie ang pagho-host ng Wowowin, inalis na raw niya ang mga dating co-hosts ng game show dahil malapit na ngang umentra si Kris.

‘Yun ang usap-usapan, pinagpipistahan ‘yun sa mga umpukan, pero hanggang hindi nanggagaling kay Willie ang kumpirmasyon ay mananatiling haka-haka lang ang lahat.

Parang hindi totoo ang kuwento dahil nagkataon lang na may kani-kanyang raket ang mga co-hosts niya pero pagkatapos nu’n ay babalik din agad ang mga ito sa Wowowin.

Maganda kung makapasok sa programa si Kris, dagdag na rating ‘yun para kay Willie at sa show, pero papayag naman kaya ang GMA 7?

Kung matatandaan ay malapit nang sumalang si Kris sa Wowowin, nakahanda na ang lahat, pero may malaking kamay na nagpaliban sa plano ng show.

Naunsiyami si Kris pero matindi ang kayang pasasalamat kay Willie Revillame dahil lahat-lahat ng paraan ay ginagawa na ng aktor-TV host para lang ito matulungan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending