Angelica umamin, umasang babalikan ni John Lloyd | Bandera

Angelica umamin, umasang babalikan ni John Lloyd

Julie Bonifacio |November 03,2017
facebook
share this

Angelica umamin, umasang babalikan ni John Lloyd

Julie Bonifacio - November 03, 2017 - 12:05 AM

KASAGSAGAN ng isyu kay John Lloyd Cruz nu’ng dalawin namin si Angelica Panganiban sa taping ng Banana Sundae. That time nandu’n din si Bianca Gonzales para interbyuhin si Angelica para sa YouTube channel ng TV host.

Tungkol sa pagmu-move on sa pag-ibig ang topic ng intebryu ni Bianca kay Angelica. Naipalabas na ang naturang intebryu last Oct. 30.

Doon inamin ni Angelica na hindi raw naging madali ang proseso nang pinagdaaan niya sa pagmu-move on sa break-up nila ng kanyang ex-boyfriend. And we assume na si John Lloyd ang tinutukoy niya.

Umasa pala si Angelica na magkakabalikan pa sila ni John Lloyd after ng four years na relasyon nila. Naging matigas daw ang ulo niya at nagbabakasakaling maging sila ulit.

Kung hindi kami nagkakamali, eto ‘yung panahong nabalitang nakikita silang magkasama ng ilang beses even up to that time na nali-link na rin si Lloydie kay Ellen Adarna.

At nu’ng nababalita na pupunta ng Europe si Lloydie para um-attend sa wedding ng kaibigan nilang stylist na si Rex Atienza (kay Jay Sarmiento), marami ang nag-akala na magkikita doon sina Angelica at John Lloyd with Ellen.

Kaibigan nina Angelica at Loydie ang ikinasal na stylists. At ang tsika, nu’ng mag-on pa noon sina Angelica at Lloydie ay nangako raw sila na aatend sa wedding ng mga kaibigan.

Sa kasagsagan ng balitang ‘yun, tinanong namin si Angelica kung pupunta siya sa wedding. Hindi raw dahil busy siya at may movie pa na sinu-shoot. Pero ang feeling ng iba, ‘di na talaga nagpunta roon si Angelica para ‘di na makita ang ex-boyfriend at ang bago nitong “baby.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending