Kathryn petmalu lodi, mata pa lang pang-best actress na | Bandera

Kathryn petmalu lodi, mata pa lang pang-best actress na

Cristy Fermin |November 01,2017
facebook
share this

Kathryn petmalu lodi, mata pa lang pang-best actress na

Cristy Fermin - November 01, 2017 - 12:05 AM

DANIEL PADILLA AT KATHRYN BERNARDO

ANG galing-galing ni Kathryn Bernardo sa isang tuhog na eksena nila ni Angel Locsin sa La Luna Sangre. Naghihilahan sila ni Angel sa husay sa pagganap sa eksenang ‘yun.

Sa kuwento kasi ng serye ay ramdam na ramdam ni Kathryn bilang si Malia na si Angel ang kanyang ina. Sa umpisa ay namumula lang ang mga mata ng batang aktres, pagkatapos ay nangilid na ang kanyang luha, hanggang sa butil-butil nang bumagsak ‘yun sa magkabila niyang pisngi.

Pigil na pigil naman si Angel sa kanyang emosyon, pero tulad ni Kathryn ay hindi maitatapon ang napakasimpleng pagganap ng aktres, gusto naming palakpakang mag-isa ang tuhog na eksena.

Ngayon lang kasi namin natututukan nang husto ang pagganap ni Kathryn. Akala nami’y basta young actress lang siyang nagpapakilig sa mga fans nila ni Daniel Padilla, pero mali kami, may bitbit na talento ang batang aktres na ito.

Alam ni Kathryn Bernardo kung kailan pagagalawin ang kanyang mga mata. May mga eksenang hindi na kailangan ng dayalog, ang kanyang mga mata na ang nagtatawid ng gusto niyang sabihin.

Bibihira ang ganu’ng kapasidad sa pagganap. May mga mata si Kathryn para itawid ang kanyang emosyon sa manonood. Sapul na sapul niya ang gustong makita ng mga sumusubaybay sa serye.

Petmalu, lodi!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending