Coco sanay makipagrambulan: Lagi akong may dalang balisong! | Bandera

Coco sanay makipagrambulan: Lagi akong may dalang balisong!

Alex Brosas |October 31,2017
facebook
share this

Coco sanay makipagrambulan: Lagi akong may dalang balisong!

Alex Brosas - October 31, 2017 - 12:20 AM

COCO MARTIN

GROWING up, madalas palang mapaaway si Coco Martin.

“Hasang-hasa,” sagot ni Coco when asked kung napaaway siya nang bata pa siya.

“Ang problema, maliit ako, may itsura kahit konti, nakukursunada. Hindi naman ako mayabang, pero hindi ko alam kung bakit maraming naaasar sa akin sa school. Napagtitripan. Hindi nila alam na lumaki ako sa Novaliches kunsaan kasama mga pinsan ko saka mga barkada ko na gago rin kaya sanay na sanay ako (sa away),” chika pa ni Coco sa launch ng gaming application ng “Ang Panday” sa SMX Convention Center.

With that, he unabashedly admitted na, “Pumapasok ako sa school, lagi akong may dalang balisong.”

This experience was helpful, “Kaya nu’ng binigyan ako ng break na gumawa ng action scenes sa soap opera, hindi ako hirap. Nagugulat nga sila na ‘pag ako nakikipag-acting ako, para akong totoong nakikipag-away kasi gan’un ako.

“Ang problema ko, hindi ako marunong sa choreography, hindi ako marunong sa fight scenes kasi ang alam ko totoong away, e. Na-analyze ko, kaya ko siguro pinagdaanan ang mga bagay na ‘yun kasi ito ang magiging path ko. Dadating pala ang point na magkakaroon ako ng projects na action,” he added.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending