Sharon ipinahiya si KC sa madlang pipol, binatikos ng netizens | Bandera

Sharon ipinahiya si KC sa madlang pipol, binatikos ng netizens

Cristy Fermin |October 30,2017
facebook
share this

Sharon ipinahiya si KC sa madlang pipol, binatikos ng netizens

Cristy Fermin - October 30, 2017 - 12:01 AM

KINAPOS na naman sa pag-iingat sa kanyang mga pananalita si Sharon Cuneta kaya puro pamba-bash na naman ang inaabot ngayon ng Megastar sa social media.

Napakasimple ng pinag-ugatan ng kuwento kung bakit. Tuwang-tuwa si Ai Ai delas Alas dahil nagbigay ng bahagi ng kanyang kinita sa Ang Probinsyano ang anak nitong si Sancho Vito.

Sa mga hindi pa pa-milyar kung ano ang ginagampanang papel ni Sancho sa matagumpay na serye ay ito ang parang kanang kamay ni Jhong Hilario na palaging nakapandong. Sila ang nagbubuo ng bagong grupong makakalaban ng Pulang Araw.

Bilang isang nanay na nagmamalaki sa ginawa ng kanyang anak ay ipinost ‘yun ng Comedy Concert Queen, sabay pasalamat kay Sancho, na binigyan naman ng reaksiyon ni Sharon.

Ang kanyang sabi, “Nakaka-touch naman, BFF… wala pa akong anak na gumawa n’yan.” Kinontra ‘yun ng komedyana sa pagsasabing niregaluhan na dati ni KC Concepcion ng lalagyan ng bag ang kanyang mommy na mahal ang halaga.

‘Yun lang at binira-bira na si Sharon, reaksiyon ng mga netizens ay bakit kailangan niyang ipahiya ang kanyang anak sa publiko, samantalang dati nama’y siya pa mismo ang nagmamalaki sa mga ini-reregalo sa kanya ni KC?

‘Yun lang ‘yun. Kinapos lang ng pag-iingat sa kanyang pananalita ang Megastar na ang naging kapalit na ay kilo-kilometrikong paghusga ng mga nainis sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending