Angel sa bastos na bashers: Hindi ako magpapa-bully kahit kanino! | Bandera

Angel sa bastos na bashers: Hindi ako magpapa-bully kahit kanino!

Reggee Bonoan |October 29,2017
facebook
share this

Angel sa bastos na bashers: Hindi ako magpapa-bully kahit kanino!

Reggee Bonoan - October 29, 2017 - 12:01 AM


SI Angel Locsin ang special guest ni Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda nitong Biyernes bilang pre-birthday episode niya. Ngayong araw mismo ang kaarawan ng TV host.

Dito natanong ng King of Talk si Angel tungkol sa mga bumabatikos sa kanya sa social media. Inamin ng aktres na hindi niya pinapayagang i-bully siya ng mga bashers kaya talagang sinasagot niya ang mga ito.

Nagsimulang i-bash si Angel ng KatNiel fans nang bumalik siya sa seryeng La Luna Sangre bilang si Jacintha Magsaysay. Hindi nagustuhan ng mga tagasuporta nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo (bilang sina Tristan at Malia/Toni) na kina Angel at Richard Gutierrez (Sandino/Supremo) na umiikot ang kuwento ngayon.

Ngunit sa pagkakaalam namin ay hindi raw ito totoo base na rin sa pahayag ng lider ng grupong Ka DreamersWorld, may mga nagpapanggap lang daw na KathNiel fans para sirain si Angel.

Ayon kay Angel, “Marunong po akong tumiklop, pero hindi po ako magpapa-bully. Pag nararamdaman kong bullying na, hindi! Lalo na kung bata na nakikipag-usap sa ‘yo, hindi ko ito-tolerate ang bullying, pero pag opinyon lang naman o gusto mong makatulong o lalaitin mo ang acting ko ganyan, papakinggan kita.

“Pero dahil lang sa pumasok ako sa isang show na ginagawa ko lang ang trabaho ko tapos ganyan, hindi nga bashing, eh, ibu-bully mo ako, ibang usapan na ‘yun,” paliwanag ng aktres.

Sabi ni kuya Boy, ipinagtanggol naman siya ng KathNiel sa bashers, “In fairness to KathNiel I know ay ipinagtanggol ka nila. Nakakatuwa nga po tito Boy kasi hindi namin napag-uusapan talaga at nag-text ako sa kanila, pinasalamatan ko si Kath, si DJ, si Chard na sinasabi nga nila (ipinagtanggol ako).

“Sana gamitin natin ang social media sa maayos na paraan hindi porket binigyan tayo ng freedom of speech, e, meron na tayong freedom para maging bastos!” dagdag pa ng dalaga.

At dahil parang nag-init na si Angel sa pagkakasabi niya ng salitang “bastos” ay tinanong siya ng TV host kung ano at sino si Neil Arce sa puso niya.

“Isa po siya sa source of happiness ko ngayon, matagal kaming magkaibigan, siguro mga walong taon na rin po. Hindi rin namin alam kung paano nagsimula ang lahat, pero we’re happy at nangyari na lang siya.

Nagpapasalamat ako na naging ganito ang relationship namin,” napangiting sabi ng dalaga.

Nagulat ba si Angel nang sinabihan siya ni Neil ng “I love you”? “Alam mo tito ‘yung parang nararamdaman mo pero ayaw mong mag-assume kasi you’re friends, parang ganu’n, super close friends.

Tapos nu’ng sinabi niya ‘yun, alam mo ‘yung pakiramdam na ini-expect mo na, ‘heto na ‘to’ (kinilig), ganu’n ang pakiramdam.

“Alam kasi namin na hindi dapat basta pinapasok (relasyon) kasi ayaw naming masira ‘yung friendship, so iyon ‘yung usapan namin na parang kung anuman ang mangyari dito sa napaka-exciting na journey natin, basta hindi tayo puwedeng mag-away,” masayang sabi ni Gel.

Tinanong ni kuya Boy kung boto si Daddy Angelo Locsin kay Neil, “Okay naman sila at saka si Neil ma-respetong tao naman. Ako kasi pag hindi ka gusto ng pamilya ko, sorry talaga kahit mahal na mahal kita at gustung-gusto kita. Pag pamilya ko nagsalita against you, doon ako sa pamilya ko talaga.”

Pinaharap ng TWBA ang aktres sa kanyang mahiwagang salamin at tinanong kung sino ang babaeng nakikita ni Angel.

“Isang masayahing tao, isang very passionate and sensitive at mabilis mapikon sa totoo lang. Ha-hahaha! Hindi ko itatanggi but very loyal. Pag minahal kita tito Boy, mahal kita for life at ipagtatanggol kita kahit saan,” saad nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa tanong kung anong pangalan ang nakasulat ngayon sa puso ni Angel, “Patay! Si Neil po tito Boy!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending