Wish ni Marco: Sana maging friends uli kami ni Kisses! | Bandera

Wish ni Marco: Sana maging friends uli kami ni Kisses!

|October 29,2017
facebook
share this

Wish ni Marco: Sana maging friends uli kami ni Kisses!

- October 29, 2017 - 12:05 AM


IKINALUNGKOT nina Maymay Entrata at Edward Barber ang pagkabuwag ng tambalan ng kanilang mga kaibigang sina Kisses Delavin at Marco Gallo.

“Ako sa akin po nakakalungkot po na nagkahiwalay ‘yung loveteam nila pero ang masasabi ko, lahat naman po kami okay naman po,” ayon kay Maymay sa panayam ng ABS-CBN.

Dagdag pa ng dalaga, “Basta sa akin ang advice ko sa kanilang dalawa, kung saan sila masaya at komportable at nandon ‘yung peace, doon sila.”

“Para sa akin sobrang malapit na sila sa puso ko sila Kisses, ano sa sobrang lapit ng puso ko sa kanila parang kapatid ko na sila,” aniya pa.

Kamakailan ay kinumpirma ni Kisses na hindi na sila magka-loveteam ni Marco ngunit hindi na niya idinetalye ang mga rason kung bakit.

Siyempre, kahit si Marco ay na-sad nang mabalitaan niya ang bad news, “Siyempre nakakalungkot po sa nangyari pero nagpapasalamat naman po ako kay Kisses at sa lahat ng fans na sumuporta sa amin kasi ang dami ko namang natutunan from her and from all the things that happened.”

Hirit pa ng binata, “I really hope that one day we’re gonna be friends again and I really hope na tuloy pa rin ang suporta ng KissMarc sa aming dalawa, so ‘yun po maraming maraming salamat and thank you sa fans.

“Katulad ng mga normal na tao kailangan ng panahon, the right time to talk about what happened between us and I am looking forward to be okay with her kasi she’s still my friend. I still spent so many memories with her,” aniya pa.

Pero sa kabila nito, good news pa rin para sa mga KissMarc fans dahil magkakasama pa rin sina Kisses at Marco sa web at internet show na Squad Goals na mapapanood sa ABS-CBNmobile Exclusives.

Makakasama rin nila rito sina Maymay at Edward.

Sa media launch ng ABS-CBN Mobile Exclusives, wala si Kisses dahil may prior commitment ang dalaga, tanging sina Maymay, Edward at Marco lamang ang nasa presscon.

Ikalawang proyekto na ito ng MayWard at Kissmarc pagkatapos ng blockbuster movie nilang “Loving In Tandem”.

“Masayang-masaya po kami kasi hindi lang kasi ito ang pangkaraniwang proyekto lang daw. Alam mo kahit first time namin nagho-host kami, masaya ako kasama ko ang mga kaibigan ko.

“‘Yung mga kaibigan ko na sabay kong nag-grow dito sa showbiz at lalong lalo na ‘yung mga tao sa paligid namin do’n sa show na ‘yun na sila ‘yung unang nagbigay ng pag-asa para matupad ang mga pangarap namin at kung saan kami ngayon at ‘yung ang PBB family. Ako’y masayang masaya, sobra po,” pahayag ni Maymay.

Sa Squad Goals, magbibigay ng iba’t ibang tips ang apat na bagets para magkaroon ng fun at happy life ang madlang pipol na siguradong kaaaliwan ng mga manonood.

Bukod sa Squad Goals, nandiyan din ang talk show with a twist ni Kaladkaren na Kikinang-kinang, Dear Alex ni Alex Gonzaga, Hashtags Uncovered ng Hashtags, Shookt, Seen Zone at ang game show na Roleta ng Fortune ni Mr. Fu.

Para ma-access ang ABS-CBNmobile Exclusives, ABS-CBNmobile users must have an active SIM with internet connection (3G or Wifi). Subscribers can subscribe to KSURF promo loads to get value for their money. To subscribe to KSURF30, you just need to dial *128#.

ABS-CBNmobile Exclusives can be accessed on the website via a smartphone, PC, laptop, or tablet. Visit www.abscbnmobile.com to find out more.

q q q

Matututunan ni Louie (Grae Fernandez) ang aral ng pagbibigay halaga sa pamilya at pagiging isang mapagmahal na anak sa pagpapalit-anyo niya bilang si Melissa (Louise delos Reyes) gamit ang mahiwagang biton sa Wansapanataym Presents: Louie’s Biton tonight.

Sa pagsanib ni Louie sa katawan ni Ralph (Aljur Abrenica), muli siyang nakagawa ng kasalanan matapos niyang gawing katatawanan ang tunay na damdamin ni Melissa para sa basketball player, dahilan para lisanin niya ang pagiging assistant nito.

Ngunit sa tulong ni Tori (Andrea Brillantes), susubukan ni Louie na ayusin ang kanyang pagkakamali sa pagsanib naman kay Melissa. Pero hindi ito magiging madali dahil kailangan niya ring punan ang responsibilidad ng dalaga bilang anak at unahin ang kanilang pangangailangan para sa pamilya.

Maayos nga kaya ni Louie ang kanyang pagkakamali bago mawala ang bisa ng mahiwagang biton?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag palampasin ang kuwentong kapupulutan ng aral sa Wansapantaym Presents: Louie’s Biton sa ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending