'Lalambot din ang puso ni Robin para kina Aljur at Kylie!' | Bandera

‘Lalambot din ang puso ni Robin para kina Aljur at Kylie!’

Cristy Fermin |October 28,2017
facebook
share this

‘Lalambot din ang puso ni Robin para kina Aljur at Kylie!’

Cristy Fermin - October 28, 2017 - 12:05 AM

KAILANGAN lang maghintay ni Aljur Abrenica para makuha nito ang loob ng kanyang biyenang hilaw na si Robin Padilla. Kilalang-kilala na ng showbiz ang kilatis ng ugali ng sikat na action star.

Ganyan lang siya sa una pero, kapag dumating na ang takdang panahon ay hindi niya makakayang tablahin ang kanyang anak, kapag si Kylie na ang nakipag-usap kay Robin ay siguradong matutunaw na ang puso ng action star.

Si Robin pa? Wala sa kanyang bokabularyo ang pagkikimkim ng galit sa puso, maaaring nagtatampo rin siya, pero ang pagtatago ng poot sa kanyang dibdib ay hindi kailanman naging ugali ni Binoe.

Mapagpatawad ang puso ni Robin, kahit sa mga taong nanakit ng kanyang damdamin ay nakapagpatawad siya, sa sarili pa kaya niyang anak magdadamot ang aktor?

Kailangan lang munang maghintay ni Aljur para matanggap ng ama ni Kylie ang kanilang relasyon.

May mga kailangan lang siguro silang kailangang mapag-usapan nang lalaki sa lalaki, meron lang silang dapat plantsahin bilang ama at karelasyon ni Kylie, pero siguradong darating din ang panahon na maiaayos ang lahat-lahat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending