Barangay Ginebra vs Meralco sa winner-take-all Game 7 | Bandera

Barangay Ginebra vs Meralco sa winner-take-all Game 7

|October 27,2017
facebook
share this

Barangay Ginebra vs Meralco sa winner-take-all Game 7

- October 27, 2017 - 12:07 AM

Laro Ngayon
(Philippine Arena)
7 p.m. Meralco vs Barangay Ginebra

WALA nang bukas pa.

Magkakaalaman na ngayon kung sino ang kokoronahan bilang kampeon ng 2017 PBA Governors’ Cup.

Makaulit kaya ang Barangay Ginebra o makaganti sa natamong masaklap na kabiguan noong isang taon ang Meralco Bolts?

Sa Finals ng torneong ito noong isang taon ay tinira ni Justin Brownlee ang game-winning shot sa Game Six para makopo ng Gin Kings ang kampeonato.

Sa Game Six nitong Miyerkules sa Philippine Arena ay hindi pumayag ang Meralco na muli itong mabigo ng Ginebra. Umpisa pa lang ng laban ay humataw na sa opensa ang Bolts at nagtala ng 20 puntos na kalamangan, 44-24, sa second period.

Sa likod ng suporta at hiyawan ng Ginebra fans ay sinubukan ng Gin Kings na makahabol ngunit matapos na makadikit sa Bolts ng apat na puntos, 86-90, ay muling umarangkada ang Meralco sa pamumuno nina two-time Best Import Allen Durham at beteranong si Reynel Hugnatan.

Tinapos ni Durham ang laro na may 28 puntos, 19 rebound at tatlong assist habang si Hugnatan, na nabigyan ng mas mahabang playing time sa serye matapos na ma-injured si Ranidel de Ocampo, ay nag-ambag ng 24 puntos kabilang ang anim na tres.

Tumulong din sa opensa ng Meralco si Garvo Lanete na may 15 puntos at si Chris Newsome na muntik nang magtala ng triple-double sa natipong 10 puntos, 11 rebound at pitong assist.

“The motivation is just winning. We just wanted to have the chance to play for a Game 7 and we got it,” sabi ni Meralco coach Norman Black.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa dako naman ng Ginebra ay nakitaan ng magandang paglalaro sina Brownlee, Greg Slaughter at point guard LA Tenorio pero di gaanong nakapag-ambag sina Joe Devance at Japeth Aguilar.

Nadaig din ng Bolts ang Gin Kings sa rebounding department, 51-41, at naging krusyal ito sa endgame nang mabigo ang Ginebra na masungkit ang mga importanteng rebound.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending