Kris kay Ai Ai: Pag happy ang tao, dapat masaya ka na rin for her! | Bandera

Kris kay Ai Ai: Pag happy ang tao, dapat masaya ka na rin for her!

Ervin Santiago |October 27,2017
facebook
share this

Kris kay Ai Ai: Pag happy ang tao, dapat masaya ka na rin for her!

Ervin Santiago - October 27, 2017 - 12:05 AM

KRIS AQUINO AT AI AI DELAS ALAS

WISH ng fans nina Kris Aquino at Ai Ai delas Alas na sana’y maibalik na ang dati nilang friendship.

Wala naman daw imposible sa mundong ito at naniniwala sila na darating din ang tamang panahon para magkaayos muli ang dalawa.

Magandang senyales daw ang naging pahayag ni Kris tungkol sa wedding nina Ai Ai at Gerald Sibayan sa Dec. 12. Sa isang panayam, sinabi ni Kris na ramdam niya ang “good vibes” sa pagitan ng future husband and wife.

“Makikita mo naman na mabait talaga ‘yung guy. Bongga!” aniya kasabay ng pagsasabing wala raw siya sa posisyon para magbigay pa ng karagdagang komento sa pagpapakasal ng dating BFF.

“Because we haven’t really seen each other in so long, and we haven’t really communicated in so long.

So, I don’t think my opinion will be welcome. Our last communication was she said thank you to me because she had a fundraising for this church last year.

“And, I think, I’d like to leave it at that because it ended on a positive note. And since positive na, ayoko nang guluhin, di ba?”

Hirit pa ni Kris sa nasabing panayam, “I have this belief talaga na, one, huwag kang magbigay ng unsolicited opinion. Second, kapag happy ang tao, be happy for the person. Ganu’n lang kasimple.”

In fairness, patuloy na dumarami ang bilang ng mga netizen na sumusubaybay at naaadik sa kanyang online talk show na Heart To Heart With Kris na napapanood sa Facebook. Laging trending ang kanyang “bag raid” segment dahil marami pa rin ang curious kung anu-ano ang laman ng kanyang bag.

May mahigit 1.3 million views na ito, 22,000 likes, 1,800 comments at 2,300 shares and still counting.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At base sa mga nababasa naming comments mula sa kanyang followers, love na love pa rin nila ang TV host-actress na nagsabing patuloy silang nagdarasal na very soon ay mapapanood na uli siya sa TV.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending