Coco, Jhong matira-matibay sa Probinsyano | Bandera

Coco, Jhong matira-matibay sa Probinsyano

|October 26,2017
facebook
share this

Coco, Jhong matira-matibay sa Probinsyano

- October 26, 2017 - 12:01 AM

MATIRA ang matibay sa pagitan nina Cardo (Coco Martin) at Alakdan (Jhong Hilario) dahil wala nang atrasan ang kanilang umaatikabong bakbakan sa nangungunang serye sa bansa na FPJ’s Ang Probinsyano.

Mas magiging maaksyon pa ang bawat gabi ngayong alam na ni Cardo na sangkot si Alakdan sa pagkamatay ng kanyang anak matapos siyang pagdalhin ng bomba nang hindi niya alam upang patayin ang isang senador, gaya ng kung paano namatay si Ricky Boy.

Kaya naman sa pagbabalik ni Cardo sa Mt. Karagao, agad niyang haharapin ang grupo ni Alakdan, dala-dala ang poot at galit sa karumaldumal na pagkamatay ng anak. Ngunit hindi rin magpapatalo si Alakdan kasama ang kanyang buong puwersa upang patumbahin si Cardo.

Ano nga kaya ang kahahantungan ng kanilang laban? Maipaghiganti na nga kaya ni Cardo si Ricky Boy?

Samantala, patuloy sa pamamayagpag ang FPJ’s Ang Probinsyano sa national TV ratings, ayon sa datos ng Kantar Media. Nito ngang Martes (Oct. 24), nagkamit ang serye ng national TV rating na 41.2%.

Pinag-uusapan din ito sa social media sa pagiging trending topic ng palabas gabi-gabi at paglikom ng libo-libong tweets.

Huwag palampasin ang mga maaaksyong tagpo sa nangungunang serye sa bansa na FPJ’s Ang Probinsyano, gabi-gabi sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending