Beauty may warning kay Bianca: Naku, susuntukin ko talaga siya! | Bandera

Beauty may warning kay Bianca: Naku, susuntukin ko talaga siya!

Ervin Santiago |October 25,2017
facebook
share this

Beauty may warning kay Bianca: Naku, susuntukin ko talaga siya!

Ervin Santiago - October 25, 2017 - 12:05 AM

BEAUTY GONZALES AT BIANCA KING

MASWERTE si Beauty Gonzales sa kanyang asawang si Norman Crisologo. Bukod kasi sa napakaresponsableng padre de pamilya ay suportado rin nito ang showbiz career ng Kapamilya actress.

Kitang-kita namin ang pagiging sweet nito kay Beauty sa nakaraang premiere night ng bagong movie ng aktres na “Besh And The Beshies”. Siya talaga ang tagabitbit ng bag ng Kapamilya actress, at tagabigay ng mga kailangan nito habang kumakain.

Ayon kay Beauty nang makausap namin kamakailan, “Grabe ang asawa ko. Wala akong mairereklamo sa kanya. He’s so bait and very responsible. Kapag may time siya, sinasamahan niya ako sa mga ganitong events, sinusuportahan niya ang pagiging artista ko.”

Kaya naman kahit super busy siya sa pagso-showbiz, lalo na sa kanilang afternoon series na Pusong Ligaw sa ABS-CBN, sinisiguro niyang nagagampanan pa rin niya ang kanyang mommy at wifey duties.

Masaya ring ibinalita ni Beauty na pasok na sa book 2 ang kanilang teleserye, “Matatapos na ang unang yugto, kaya dapat abangan nila ‘yung book 2 ng Pusong Ligaw, napakarami pang mangyayari sa karakter ko as Tessa or Teri, mas marami pang drama at kabugang eksena.

“Mas makilala pa nila sina Tessa, Marga (Bianca King), Caloy (Joem Bascon) at Jaime (Raymond Bagatsing). The whole story started with the three of them. Ngayon medyo ibabalik. Mas exciting ‘yung mga flashback moments,” chika pa ni Beauty.

Tinanong namin kung malapit na bang malaman ni Tessa na ang tunay niyang anak ay si Potpot (Diego Loyzaga) at hindi si Leon (Albie Casino), “Yan ang abangan nila, hindi ko pa pwedeng sabihin! For sure, malalaman din ni Tessa ‘yan, pero I don’t know kung paano and I don’t know kung malalaman ko ba talaga.”

Siniguro rin ni Beauty na mas matitinding showdown ang mangyayari sa pagitan nila ni Bianca, “Looking forward na rin kami riyan kaya naghahanda na kaming dalawa!”

Inamin ng aktres na may mga pagkakataong nagkakapisikalan sila ni Bianca dahil napaka-intense ng kanilang mga eksena, “Nag-uusap naman kami kung paano ang atake sa isang confrontation scene, pero kadalasan nadadala ka sa emosyon.

“Pero may usapan na kami ni Bianca, kung madala siya sa isang eksena na masaktan niya ako, naiintindihan ko naman. Minsan kasi di mo matantsa, di ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Okay lang sa akin for as long as na maganda yung kalabasan ng eksena and for as long as na alam mo naman na hindi niya sinasadya, not unless tumalsik na yung ngipin ko, susuntukin ko na siya!” natatawang sey pa ni Beauty.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending