Quantcast

Senador kontra Sereno lulutang

By

PALAGAY ko ay alam na ng kampo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na wala silang pag-asa na manalo sa impeachment complaint sa Kamara de Representantes.

Noong pagdinig ng House committee on justice na ideklara na sufficient ang grounds ng reklamo nang hindi iniisa-isa ang mga reklamo ni Atty. Larry Gadon, ramdam mo na mai-impeach si Sereno.

At nagsalita na rin naman noon si House Speaker Pantaleon Alvarez na kahit na 200 kongresista ay kayang makuha pabor sa pag-impeach sa Chief Justice.

Ang kailangan lang ay 98 kongresista para ma-impeach si Sereno.

Nang ihain ng reklamo noong Agosto ay 25 kongresista na ang nag-endorso nito. Kaya sisiw kung tutuusin na makuha ang 98.

Isa pang katibayan na kayang mag-impeach ng Kamara ang reklamo kay Commission on Elections chairman Andres Bautista.

Ibinasura ng Justice committee ang impeachment complaint laban kay Bautista dahil insufficient in form ito. Ang alam ng mga kongresista, magbibitiw sa puwesto si Bautista kapalit ng pagbasura sa reklamo.

Pero ng makita ng mga kongresista ang resignation letter ni Bautista na hanggang sa Disyembre 31 pa siya sa puwesto, nabuwisit sila.

Kaya ang ginawa nila, binaliktad ang desisyon ng komite ng pagbotohan ang report sa plenaryo.

Ang mga bumoto para ibasura sa committee level ay hindi na bumaliktad.

Ang bumoto para baliktarin ang report ay 137.

Ang sabi ni Alvarez sa kanyang mga nakaraang interview, ayaw lang nila na madaliin ang reklamo kay Sereno para mahimay nila ng husto ang laman nito at hindi sila magkalat sa Senado kung saan isasagawa ang impeachment trial.

Kung ako ang tatanungin, ang magiging totoong laban ng impeachment ay sa Senado.

Ang kailangan para masibak si Sereno sa puwesto ay two-third ng mga senador. So kung 24 ang senador, ang kailangan ay 16 para siya ay maalis.

Hindi ko lang alam kung aalisin na ba si DFA Sec. Alan Peter Cayetano sa bilang at 23 ang pagbabatayan ng two-thirds. Nagbitiw si Cayetano bago pa natapos ang kanyang termino bilang senador sa 2019.

Tanong din ay kung ibibilang ba si Sen. Leila de Lima na hindi makakaboto kasi nakakulong.

Mayroon ding mga senador na kaalyado ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III, ang nagtalaga sa puwesto kay Sereno. Malamang kumampi ang mga senador na ito kay Sereno.

Nariyan si Sen. Franklin Drilon, Sen. Bam Aquino, Sen. Risa Hontiveros, Sen. Kiko Pangilinan, at de Lima.

Ang inaabangan ay kung ilan sa mga nalalabi ang sasama sa para i-impeach si Sereno. Kabilang sa mga senador na ito ay reelectionist sa 2019 mid term elections at ang mga nagreretiro.

Kung gusto ng mga senador na maisama sa senatorial ticket ng administrasyon dun sila sa pro-impeachment, kung graduating naman ang senador at gustong makapuwesto pagbaba niya sa 2019, kakampi rin siya.

Ang tanong ay kung sino ang sasama sa anti-impeachment move vs Sereno.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement