P89M jackpot ng Grand Lotto | Bandera

P89M jackpot ng Grand Lotto

Leifbilly Begas |October 22,2017
facebook
share this

P89M jackpot ng Grand Lotto

Leifbilly Begas - October 22, 2017 - 03:41 PM
Inaasahang aabot sa P89 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola mamayang gabi (Lunes).     Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang nakakuha sa P85.9 milyong jackpot prize sa bola noong Sabado.     Lumabas sa huling bola ang winning number combination na 25-11-28-06-38-55. Umabot sa P21.2 milyon ang halagang itinaya sa naturang bola.     Nanalo naman ng tig-P39,300 ang 27 mananaya na nakakuha ng limang lumabas na numero. Tig-P710 naman ang 1,184 mananaya na nakalimang numero at balik ang P20 taya ng 20,578 mananaya na nakatatlong numero.       Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending