Quantcast

Makakatakas pa ba sa pagiging kabit? (2)

By

Sulat mula kay Luisa ng Wakas, Bucaue, Bulacan
Problema:
1. May karelasyon po ako sa ngayon may-ari siya ng rice mill. Kaya lang may pamilya po siya at mga anak. Pero may pangako naman siya sa akin na kapag daw po nagkahiwalay sila ng misis nya ay ako daw ang ibabahay nya at papakasalan. Sa palagay n’yo totohanin kaya niya ang kanyang sinasabi o habang buhay na akong ganito? Umaasa sa buwanang bigay niya at sa isang linggo minsanan lang siya kung dumating sa aming apartment.
2. Sa ngayon naman po ay may iba pang nanliligaw sa akin na hindi niya alam na binata. Kaya lang natatakot ako baka mamaya ay sagutin ko ang binatang ito ay hindi naman mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga magiging anak namin dahil pangkaraniwang empleyo lang siya sa tindahan ng mineral water, pero dama ko naman po ang katapatan niya at respeto sa akin. Sino po ba sa dalawang lalaking ito ang makakasama ko habang buhay? December 13, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Luisa ng Bulacan
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) ang nagsasabing kung magiging praktikal ka, ibig sabihin ay isip at materyal na bagay ang isasaalang-alang mo, dapat ngayon pa lang mag-ipon ka na ng maraming maraming pera. Dahil sino man sa dalawang lalaking binabanggit mo na nagtatalay ng zodiac sign na Scorpio o kaya’y Libra, siya na ang pang habang buhay mong makakasama.
Numerology:
Ang birth date mong 13 ay nagsasabing maraming suwerteng pang materyal na darating sa iyong buhay na dapat mong ipunin. Dahil kung sinoman sa dalawang lalaking binabanggit mo sa kasalukuyan ang may birth date na 5, 14, 23, 8, 17 o kaya ay 26, na isang mayaman, tiyak ang magaganap – siya na ang makakasama mo habang buhay.
Huling payo at paalala:
Luisa ayon sa iyong kapalaran kung ang kasalukuyan mong kinakasama o nagbabahay sa iyo ay isang lalakng medyo mababa ang height at may bilugang pangangatawan at bilugan din hugis ng mukha, tiyak ang magaganap, siya na ang makakasama mo habang buhay. Kaya kung siya nga ang mayamang negosyante na bumubuhay sa iyo, dapat mag ipon ka na ng maraming maraming pera, upang mabigyan mo ng magandang kinabukasan ang magiging anak ninyo. Sa ganyang paraan lamang sa panahong matanda ka na, magiging mayaman ka rin at habang buhay na liligaya.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement