Alden, Maine may pa-kissing scene agad sa telemovie ng 'Bulaga' | Bandera

Alden, Maine may pa-kissing scene agad sa telemovie ng ‘Bulaga’

Jun Nardo |October 22,2017
facebook
share this

Alden, Maine may pa-kissing scene agad sa telemovie ng ‘Bulaga’

Jun Nardo - October 22, 2017 - 12:01 AM

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

HIMATAY agad ang AlDub Nation sa unang mga eksena sa Love Is kahapon. My pa-kiss agad sina Alden Richards at Maine Mendoza matapos mag-propose ng kasal ang boyfriend.

May umangal nga dahil biglang nawala ang live streaming ng telemovie, huh! Eh ‘yung Team Abroad, mulat na mulat ang mata sa kahihintay sa pag-ere ng LI.

Sa totoo lang, hindi pa nagsisimula ang drama ay mahigit 1 million na ang tweets ng #ALDUBexEBLoveis. Pulbus na pulbos ang kasabay na trending topics sa Twitter na wala pang 50k tweets.

Ang lalong ikinatuwa ng ADN ay walang commercial break ang Love Is gaya ng nangyari sa Tamang Panahon.

Werpa pa more ang ADN sa petmalu nilang Twitter party, huh! Tweet nga ni Cindy Kournikova na naging bahagi ng Kalye Serye, “This is why u cannot blame all our beauty pageant contenders if they asked help from us to vote for them. Because we can #ALDUBxEBLoveis.”

q q q

Isinalang agad sa dalawang projects si Ivan Dorschner pagkabalik niya mula sa bakasyon sa Tate after ng una niyang Kapuso project na Meant To Be.

Naglabasan na sa social media ang mystery guy na umaaksyon ang teaser sa Super Ma’am. May humula nga na baka si Jak Roberto ang magiging parte ng SM dahil may picture siyang kasama ang Hollywood actor na si Conan Stevens na bagong pasok sa series ni Marian Rivera.

Pero kay Ivan napunta ang role ni Isko Dagohoy, isang Girero. Wala pa nga lang katiyakan kung kakampi o kalaban siya ni Super
Ma’am.

Magiging bahagi rin ng 2018 GMA series si Ivan, ang The One That Got Away. May halaga siyang papel sa buhay ng female leads na sina Lovi Poe, Max Collins at Rhian Ramos. Kasama niyang makikipaglandian sa mga bidang babae sina Migo Adecer at bagong Kapuso actor na si Jason Abalos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Dennis Trillo ang aktor na madalas na makakaeksena ni Ivan kaya naman pressure ito para sa baguhang gaya niya, huh!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending