Quantcast

Nagpa-churva, nabuntis, gustong magpalaglag

By

DEAR Ateng Beth,

Tawagin mo na lang po ako sa pangalang Pitz.

Ateng Beth, buntis po ako ngayon, magdadalawang buwan na po.

Kaso lang po noong isang buwan pa lang ang tiyan ko ininuman ko po ng pampalaglag, kasi yun po ang gusto ng ama ng pinagbubuntis ko.

Hindi pa raw siya handa. Iyun po, nung pag-inom ko po ng pampalaglag dinugo po ako ng konti. Sa madaling salita, makapit po ang baby sa tiyan ko po.

Ang problema ko po ngayon, di ko po alam kung dapat ko bang ipagpatuloy ang pag-inom ko ng gamot para mawala o ititigil ko na po ba? Salamat.

Pitz

Ay juicecolored! Pitikin ko yang ano mo, e!

Kailangan pa talagang itanong mo kung dapat bang ituloy o itigil ang pagpapalaglag sa anak mo?!

Sa palagay mo papayuhan kita on national newspaper na ituloy mo ang pag-inom ng gamot para malaglag iyang anak n’yo na kayo rin naman ang gumawa?

Halerrrrr…

Nakakasakit kayo ng bangs ha? At talagang ikinukonsidera mo pa rin talaga yung gusto ng walang kwentang lalaki na iyan na ipalaglag ang sanggol.

Hindi mo ba na gets na kulang na lang na isampal sa pagmumukha mo ang pagsasabi na ayaw niya sa bata and eventually ay aayawan ka rin? Isip, Pitz, isip!

Ang the best na dapat mong gawin ngayon ay kumunsulta sa doktor at ipagtapat mo yang ginawa mo at malaman kung anong dapat mong gawin para sa ikabubuti ng sanggol. Maawa ka sa bata at maawa ka rin sa katawan mo. Sa susunod ‘wag ka magpa-churva sa lalaking ang pagbababa lang ng briefs ang kayang gawin!

Maghanap ka rin sa inyong lugar ng counselor na magpapayo sa iyo para medyo umayos-ayos ang takbo ng utak mo ‘teh…
kalokah ka!
Ateng Beth

May problema ka ba sa relasyon sa asawa, BF/GF BFF, kamag-anak, kaibigan, kapitbahay, katrabaho? I-text na iyan kay Ateng Beth sa 09989558253 at siguradong meron siyang ipapayo.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement