Mr. Politician kinaiinisan sa kayabangan

By Den Macaranas October 20,2017
share this

Mr. Politician kinaiinisan sa kayabangan

By Den Macaranas October 20,2017
share this

PROBLEMADO ang isang elected official dahil tinalikuran na siya ng kanyang mga kaalyado sa pulitika sa kanilang lalawigan.

Sinabi ng ating Cricket na hindi nagustuhan ng kanyang mga kaalyado ang ginawang pambabastos ng opisyal sa isang kapwa niya elected official.

Bukod kasi sa dating may mataas na pwesto sa pamahalaan ang binastos na opisyal ay naging Boss pa ito ng pulitiko na bida sa ating kwento ngayong araw.

Mula sa mga dating kaalyado na konsehal sa mga bayan hanggang sa kanilang gobernador, lahat sila ay nabastusan sa ipinakikitang kaangasan ni Mr. Politician.

Bukod kasi sa kanyang extra-marital affairs ay binastos rin ng opisyal ang kanyang dating amo na unang nagbigay sa kanya ng pagkakataon na makilala ng publiko.

Kamakailan ay naging laman ng mga balita ang opisyal makaraan niyang kalabanin ang isang kapwa pulitiko na tumulong sa kanya noong nakalipas na halalan.

Ang pulitiko rin na iyun na galing sa isang mayamang angkan sa kanilang lalawigan ang tumulong kung bakit niya nakuha ang mataas na posisyon sa pamahalaan.

Tila kasi nalimutan ng ating bida ang mga taong tumulong sa kanya sa mga nakalipas na panahon kaya ang nangyayari sa kanya ngayon ay mistulang paalala na masyado na ngang lumaki ang ulo ng ating bida.

Pati ang kanyang pamilya ayon sa ating Cricket ay umay na umay na sa kayabangan ng pulitikong ito kaya okay na rin sa kanila kung matuturuan ito ng leksyon sa pamamagitan ng pagkalas ng ilang mga kaalyado mula sa kanilang malayong lalawigan.

Sa huli, sinabi ng ating Cricket na baka pati ang kanyang bestfriend sa Malacanang ay bitiwan na rin siya dahil sa kanyang malamyang performance sa pamahalaan.

Ang pulitiko na tinalikuran na ng mga kaalyado sa kanyang mismong lalawigan ay si Mr. A….as in Always.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending