Anak ng dating sikat na aktres nabubuhay sa putikan | Bandera

Anak ng dating sikat na aktres nabubuhay sa putikan

Cristy Fermin |October 20,2017
facebook
share this

Anak ng dating sikat na aktres nabubuhay sa putikan

Cristy Fermin - October 20, 2017 - 12:20 AM

SA isang may kalayuang probinsiya naninirahan ngayon ang anak ng isang dating sikat na female personality. Du’n na siya naninirahan kasama ang kanyang napangasawa at mga anak.

Kabaligtaran ng nakasanayan at nakagisnan niyang buhay ang niyayakap ngayon ng anak ng sumikat na aktres, malayung-malayo, dahil kung dati’y nakamedyas pa siya sa bahay para hindi marumihan ang kanyang mga paa ay nagbubukid na ngayon ang dotir ng dating sikat na babaeng personalidad.

Pero ayon sa aming mga impormante ay masaya sa buhay niya ngayon ang anak ng aktres, wala siyang stress, lalong walang kakambal na kontrobersiya at intriga ang kanyang buhay.

Kuwento ng isang source, “Nakakaloka! Mismong ang mommy niya ang nagkukuwento nu’n na hindi sumasayad sa sahig ang sakong ng mga paa ng anak niya. Nasa bahay lang, pero nakamedyas pa siya.

“Kailangan daw ganu’n para ma-maintain nilang mag-ina na mapupula ang mga sakong nila. So, sa bahay nila, e, nakamedyas sila, hindi nakatsinelas, para nga maging pulang-pula ang mga sakong nila,” nakairap na kuwento ng unang miron.

Kung ganu’n ang nakasanayan ng anak ng aktres ay putikan naman ang kanyang nilulusungan ngayon dahil magsasaka ang kanyang napangasawa. Kailangan siyang magpunta sa bukid para tumulong sa asawa niyang pagsasaka ang ikinabubuhay.

“Kung dati, e, nakamedyas pa siya sa bahay, ngayon naman, e, putikan ang palagi niyang dinadaanan dahil farmer nga ang napangasawa niya. Pero wala siyang pakialam, maligaya siya sa poder ng napangasawa niya, masaya siya sa mga ginagawa niya.

“Lumaki kasi ang batang ‘yun na magulo ang buhay nila, palaging kontrobersiyal ang mommy niya, kaya pati tuloy siya, e, nakakaladkad sa magulong buhay ng mommy niya.

“Tama, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, life is not always a bed of roses nga naman.

Pana-panahon lang ‘yan, pero ang mahalaga, maligaya ngayon ang anak ng nagpabayang female personality sa buhay na meron siya,” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending