Retokadong male personality lagot kay Daniel, baka bumalik sa operating room | Bandera

Retokadong male personality lagot kay Daniel, baka bumalik sa operating room

Cristy Fermin |October 20,2017
facebook
share this

Retokadong male personality lagot kay Daniel, baka bumalik sa operating room

Cristy Fermin - October 20, 2017 - 12:15 AM

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

BABALA: Ngayon pa lang siguro ay naghahanap na ng mapagtataguan ang isang bagitong retokado dahil anumang oras ay maglalabasan na ang mga kahunghangan niya.

Unang nilait-lait ng “internet liar” si Kathryn Bernardo, natural lang na pinutakti siya ng pamba-bash ng mga nagmamahal na tagasuporta ng young actress, mata lang niya ang walang latay sa pagtatanggol ng grupo sa kanilang idolo.

E, hindi lang pala si Kathryn ang pinagtripan ng hunghang na retokado, maraming-marami pang iba, inamin niya ‘yun kaya anumang oras ngayon ay maglulutangan na ang mga panglalait na ginawa niya sa mga sikat na artista.

Nakilala sa kawalanghiyaan ang bagitong retokado, wala pa man siyang napatutunayan ay sumosobra na ang kanyang kaangasan, marami siyang drama sa buhay na siya lang ang bibili ng piso.

May echos pa siya na dahil sa sobrang pamba-bash na inaabot niya ngayon ay gusto na niyang magpakamatay, gumagamit pa siya ng emotional blackmail, samantalang ang kabastusan niya naman ang naglagay sa kanya sa indultong kinaroroonan niya ngayon.

Buti na lang at hindi pa nagkukrus ang landas nila ni Daniel Padilla, gaano man ito kabait ay siguradong nakararating din sa kanya ang mga panglalait na ginawa ng retokadong lalaki sa kanyang girlfriend, kaya siyempre’y hindi masaya ang heartthrob sa mga sinasabi ng retokado tungkol sa kanyang mahal.

Naku, kung nagkataon, babalik nang maraming beses sa operating table ang maangas at bastos na retokadong ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending