Quantcast

Horoscope, October 19, 2017

By

Para sa may kaarawan ngayon: Mahirap talagang kitain ang pera, kaya sa araw na ito matapos mag-simba, simpleng selebrasyon na lang ang dapat kasama ang buong pamilya. Mapalad ang 3, 6, 18, 27, 28, 43. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Om.” Green at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Kahit ano ang mangyari ugaliing magpasalamat. Ang taong laging nagte-thank you, maraming biyaya ang natatanggap. Mamayang gabi sabihin sa kasuyo: “Love, Salamat sa pagmamahal mo!” sabay halik sa kanyang mga labi. Mapalad ang 2, 7, 18, 24, 33 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agara-Agra-Om.” Maroon at violet ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Wag umasa sa iba. Mas marami kang kikitain kung mabubuhay sa sarili mong pagsisikap. Sa pag-ibig, wag masyadong dominahan ang kasuyo, baka mag hanap yan ng iba. Mapalad ang 9, 18, 27, 36, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Nhame-Om.” Red at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Ituloy ang binabalak na paglalakbay. Sa malayong lugar mas madali kang yayaman. Sa pag-ibig, mas magiging okey ang relasyon kung pansamantalang lalayo muna sa kasuyong matampuhin. Mapalad ang 3, 12, 30, 34, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Adonai-Om-Elohim.” Green at gray ang bueanas.

Cancer – (June 22- July 22) — Panindigan ang anomang sinabi! Upang datnan ng suwerte at magandang kapalaran, hindi ka dapat magpabago-bago ng isipan. Sa pag-ibig, hinihintay ng kasuyo ang matagal mo ng pangako – i-date mo siya sa isang masarap na kainan. Mapalad ang 1, 8, 17, 26, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Kebanam-Karam-Aum.” Beige at yellow ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Kung hindi ka aalis ng bahay, darating ang mga maniningil. Wag ka na kasing mangutang kung wala ka namang pambayad. Sa pag-ibig, kung sadyang kinakapos, sa isang Aries ka manghiram ng pera. Mapalad ang 4, 13, 19, 28, 37 at 43. Mahiwagwa mong mantra: “Mandala-Dosya-Om.” Gold at pink ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Kahit nagkapatong-patong ang mga gawain, kaya mong matapos ang lahat ng iyan. Bilis ang susi upang magtagumpay. Sa pag-ibig, isa isantabi muna ang mga bagay na may kaugnayan sa emosyon, puro salapi muna ang isipin. Mapalad ang 5, 14, 25, 38, 33 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Lilac at silver ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Ngayong nalalapit ang kapaskuhan, sundin ang mungkahi ng kasuyo! Hindi ka dapat na maging magastos. Isa lang ang pormula upang yumaman, maging masinop at matipid. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jeva-Nahatha-Om.” Pink at gold ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Habang pabago-bago ang panahon may babala ng karamdaman. Sa pag-ibig, romansa espesyal mamayang gabi ang magpapalakas ng immune system, ngunit hinay-hinay lang, baka masobrahan na naman. Mapalad ang 5, 9, 18, 27, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aspera-Astra-Om.” Violet at blue ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Wag asahang babalik pa ang nakaraan. Ituon ang isipan sa hinaharap. Sa pag-ibig, makuntento sa kasalukuyang minamahal. Sa pinansiyal, para walang lugi, mag-invest sa mga produktong may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 4, 9, 18, 28, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Dosya-Om.” Violet at blue ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Kahit anong bigat ng mga problema wag mabugnot. Kumalmante ka lang. Ang langit ang kusang magbibigay ng solusyon sa iyong mga suliranin. Sa pag-ibig, kapag lagi kang relaks mas masarap na romansa ang kasunod. Mapalad ang 7, 14, 22, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kedemel-Om-Hagiel.” Lilac at orange ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Magiging matagumpay ang larangan ng pananalapi ngunit sa pag-ibig at romansa, bokya pa rin! Ang pinakamabuting gawin ay magdasal na sana’y hulugan ka ng langit ng isang tapat at mabuting ka-relasyon. Mapalad ang 6, 18, 22, 27, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Keh-Balam.” Green at red ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Ngayon na ang pagkakatong upang buuin mo ang iyong loob. Wag kang matakot, tuloy mo lang ang iyong ginagawa. Sa araw na ito, ibibigay sa iyo ng langit ang tagumpay at kaligayahang hindi mo pa nararanasan sa tanang buhay mo. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Shared joy is a double joy; shared sorrow is half a sorrow.” White at pink ang buenas.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement