Benepisyo sa SSS sa dagdag kontribusyon | Bandera

Benepisyo sa SSS sa dagdag kontribusyon

Liza Soriano |October 18,2017
facebook
share this

Benepisyo sa SSS sa dagdag kontribusyon

Liza Soriano - October 18, 2017 - 12:10 AM

TATAAS ng hanggang P20,300 sa 2026 mula sa kasalukuyang P10,900 maximum pension ang matatanggap sa Social Security System (SSS) kapag nakapaghulog nang hindi bababa sa 30 taong kontribusyon at ang huling limang taon bago magretiro ay batay sa P30,000 na monthly salary credit (MSC) o nakadeklarang buwanang kita bilang bahagi ng isinusulong na pag-amyenda sa batas ng SSS.

Gayundin, ang mga benepisyo tulad ng maternity, sickness at funeral na natatanggap ng miyembro ay tataas din kung maipatupad ang mga pagbabago sapagkat ang mga ito ay kinukwenta gamit ang MSC.

Tataas nang hanggang P20,300 ang tinatayang pensiyon ng mga miyembro sa 2026. Katulad nang naunang panukala ng SSS, ang adjustment sa MSC ay tataas taon-taon sa P20,000 sa susunod na taon,

P25,000 sa 2020, at P30,000 sa 2021. Habang tumataas ang deklaradong kita ng miyembro, tumataas din ang benepisyo dahil dito kinukwenta ang kabuuang hulog at benepisyo nila mula sa SSS

Sa ilalim ng kasalukuyang maximum MSC na P16,000 at contribution rate na 11 percent (na pinaghahatian ang employer at empleyado para sa mga may sahod na manggagawa), ang pinakatamaas na pensiyon na maaaring tanggapin ngayon ng miyembrong nakapaghulog ng hindi bababa sa 30 taon ay P10,900 lamang.

Ang benepisyo ng isang miyembro ng SSS ay kinukwenta base sa dami ng taon na nakapaghulog ito ng buwanang kontribusyon at ng MSC.

Batay sa kasalukuyang MSC, ang maximum na average daily salary credit ay P533 kaya ang miyembro ay makikinabang sa P480 kada araw na benepisyo sa pagkakasakit. Kapag tumaas sa P30,000 ang MSC at nadagdagan ang kontribusyon, tataas ang sickness benefit sa P900 kada araw.

Para naman sa mga miyembro na mag-aavail ng maternity benefit na caesarean delivery, tataas rin ang kanilang makukuha ay P78,000 mula sa kasalukuyang P41,600 kung ang MSC ay P30,000.

Kung manganganak ng normal, makakukuha ang babaeng miyembro ngayon ng hanggang P60,000 mula sa kasalukuyang P32,000 sa ilalim ng panukalang P30,000 maximum MSC.

Maging ang funeral benefits nang mga nakapagbayad ng hindi bababa sa 120 buwanang kontribusyon, anim na buwan bago ang kamatayan ng miyembro ay tataas sa P38,000 mula sa kasalukuyang P29,600.

Sa pagbabago sa contribution table ng SSS ay maipatupad sa Enero 2018, matapos ang implementasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) bill at ang pagsasabatas ng SS Reform Act of 2017.

 

 

President and Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc
Social Security System
SSS MEDIA AFFAIRS DEPARTMENT
(02) 9206401 local 5050, 5052-55, 5058
7th floor SSS Building, East Avenue.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending