Bashers ni Nadine tinalakan ni Anne: Sumosobra na kayo! | Bandera

Bashers ni Nadine tinalakan ni Anne: Sumosobra na kayo!

Ervin Santiago |October 18,2017
facebook
share this

Bashers ni Nadine tinalakan ni Anne: Sumosobra na kayo!

Ervin Santiago - October 18, 2017 - 12:05 AM

TILA napikon at nabwisit na rin si Anne Curtis sa mga bashers ng kanyang kaibigan at co-host sa It’s Showtime na si Nadine Lustre.

Hanggang ngayon kasi ay ayaw pa ring tantanan ng ilang netizens ang girlfriend ni James Reid tungkol sa pagpapakamatay ng kapatid nitong si Ice na nagbaril sa ulo sa loob ng kanyang kuwarto last week.

Binu-bully ng mga bashers si Nadine dahil sa mga ipinost nito sa kanyang social media accounts tungkol sa depression na naging sanhi nga ng maagang pagkamatay ng kanyang nakababatang kapatid.

Wala raw karapatang mag-advice ang dalaga sa mga kabataan tungkol sa depresyon ay suicide dahil hindi siya credible.

Sa isang Twitter post kung saan makikita ang litrato nina Nadine at Anne na magkasama na kuha sa 8th anniversary kick-off ng Showtime, may mga nag-comment ng masasakit ng salita.

Dito na hindi nakapagtimpi si Anne at niresbakan ang bashers ni Nadine. Aniya, “You are a horrible person. You never know what a person is going through or how they deal with whatever it is they are feeling. So back off!”

Nauna nang nagpayo si Nadine sa mga kabataan na huwag na huwag magpapatalo sa depresyon. Kailangan daw matutong lumaban ang bawat taong dumaranas nito kasama ang kanilang mga pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending