Kathryn ilalaban nang patayan ng KathNiel fans kontra sa retokadong male personality | Bandera

Kathryn ilalaban nang patayan ng KathNiel fans kontra sa retokadong male personality

Cristy Fermin |October 18,2017
facebook
share this

Kathryn ilalaban nang patayan ng KathNiel fans kontra sa retokadong male personality

Cristy Fermin - October 18, 2017 - 12:10 AM

KATHRYN BERNARDO

PEKE na nga ang mukha ay tuluyan nang walang mukhang maihaharap ngayon ang isang baguhang retokado dahil nalantad na sa buong bayan ang kanyang kasinungalingan at kahambugan.

Nagpalabas pa ng luha ng buwaya ang retokadong karakter, may paiyak-iyak pa siya sa isang interbyu, pero lahat naman pala ng kanyang mga sinabi ay kasing peke lang ng kanyang itsura.

Ginagawang panghimagas ngayon sa social media ang hambog na bagitong retokado, lahat ng mga salitang ayaw niyang matikman ay isinusubo sa kanya, dapat lang namang bigyan ng leksiyon ang isang tulad niya na kung makapamintas ay wagas na wagas.

Mabuti sana kung may karapatan siyang manglait ng mga personalidad, pero walang-wala, dahil ang kuwento ng kanyang buhay ang kalait-lait dahil sa pagiging ambisyoso niya.

Nasasaktan siyempre si Kathryn Bernardo, pati ang kanyang mga magulang ay umaaray rin sa mga panglalait ng mas kalait-lait na retokado pero hindi na lang sila nagsasalita, sobra pa sa sapat ang ipinararamdam na pagmamahal sa kanila ng mga tagahanga ng young actress.

Matinding pasasalamat ang ipinararating ng pamilya sa mga sumusuporta kay Kathryn, hindi na kasi nila kailangang magbigay ng pahayag, ang KathNiel na ang nakikipagpatayan para sa kanilang idolo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending