Sikat na aktor may ibang type na young star, peke ang relasyon sa ka-loveteam | Bandera

Sikat na aktor may ibang type na young star, peke ang relasyon sa ka-loveteam

Cristy Fermin |October 16,2017
facebook
share this

Sikat na aktor may ibang type na young star, peke ang relasyon sa ka-loveteam

Cristy Fermin - October 16, 2017 - 12:15 AM

MATAGAL na palang alam ng kanilang mga katrabaho na hindi ang kasalukuyan niyang ka-loveteam sa likod at harap ng mga camera ang totoong gusto ng isang young male personality.

Iba ang kanyang gusto, isang young actress na hindi pa gaanong kilala, pero talagang gustung-gusto niyang maging karelasyon.

Kuwento ng isang source, “Nu’ng una pa lang, ipinararamdam na ni ____ (pangalan ng young male personality) na hindi niya type talaga si ____ (ang young female personality)!

“As in! Wala siyang napi-feel na kahit ano sa girl, pero ang management office nila ang gumawa ng paraan na maging magka-loveteam sila. Siyempre, kasama na sa packaging ang kunwari, e, nagkakainlaban sila, di ba?

“Walang naging choice ang guy kundi ang ma-kisakay na lang, pero ang talagang gusto niya, e, ‘yung young female personality na ngayon pa lang nagiging visible sa isang network,” kuwento ng impormante.

Kahit magka-loveteam na pala sila ng young actress ay tuluy-tuloy pa rin ang pagpaparamdam ng young male personality sa kanyang type na young actress.

Kapag magkasama sila, e, tawag nang tawag sa kanya ang ka-loveteam niya, check nang check kung nasaan siya, palaging ganu’n ang nangyayari.

“So, naunsiyami ang pagkagusto niya sa girl, kailangan niyang makipag-compromise na kunwari, e, type din niya ang ka-loveteam niya. Pero talagang hindi interested ang guy sa ka-partner niya.

“Pilit na pilit ang mga actions niya, sumusunod lang siya sa dikta ng management office nila. Halatado naman ‘yun, e! Di nga ba, pinababayaan lang niyang ma-bash ang partner niya?

“Parang wala siyang pakialam, ni hindi niya ipinagtatanggol ‘yung babae, saka kung saan-saan siya nakikita na puro barkada ang kasama niya, instead na sila ng girl ang mag-bonding?” madiin pang sabi ng isang source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, ano ba talaga ang paborito n’yong color? Red, white or blue? Getlak n’yo na kung sino siya?

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending