Kilalang celebrity naka-jackpot sa casino, pero ayaw umamin | Bandera

Kilalang celebrity naka-jackpot sa casino, pero ayaw umamin

Ronnie Carrasco III |October 16,2017
facebook
share this

Kilalang celebrity naka-jackpot sa casino, pero ayaw umamin

Ronnie Carrasco III - October 16, 2017 - 12:15 AM

BIGAY na bigay na BI (blind item): In a span of a week ay dalawang kilalang casino celebrity-gamers became richer by millions. Ang kaibahan nga lang, hindi mismong si Gamer #1 ang nagwagi kundi ang kanyang love of his life samantalang inakala ng marami na instant millionaire si Gamer #2.

Mabilis na ikinorek ni Gamer #2 ang balita, hindi raw siya ang nanalo kundi ang kanyang Chinese friend na naghabilin lang ng taya nito sa kanya.

Pero duda na ang mga kapwa niya manlalaro, mukhang ayaw lang daw mamigay ng balato si Gamer #2 (na kinabitan na ng ‘Don’ ang Spanish equivalent ng kanyang palayaw) na nagdiwang pa ng kanyang kaarawan on national TV days later.

How true na isang kapwa manlalaro sa casino ring ‘yon ang walang kagatul-gatol na hinarap si Gamer #2 sa magkahiwalay na insidente roon sabay sabing, “Alam mo, pare, sinungaling ka!”?

Yes, he lies three times a day!

q q q

Another B na B na BI: Puring-puri ng isang kapwa manunulat sa kanyang kolum ang isang tituladang aktres (we don’t mean she graduated with a degree even if she claims she’s schooled) mula sa isang TV network (as if there are too many choices).

Very positive daw kasi ang attitude nito despite social media flak from the netizens. Sey ng aktres, “Pintasan man nila ang buong pagkatao ko, hindi ko ikamamatay ‘yon!”

Physically, yes. Buhay na buhay pa naman siya. What’s dead is her career, nagre-rate ba naman ang kanyang teleserye?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending