Quantcast

Erich, Patrick patutunayang may ‘forever’

By

ERICH GONZALES AT PATRICK GARCIA

MAGBABALIK si Erich Gonzales ngayong Sabado sa longest-running drama anthology sa Asia, ang Maalaala Mo Kaya hosted by Charo Santos.

Gaganap ang Kapamilya actress bilang si Mae, isang dalagang dumaan sa iba’t ibang hamon ng buhay ngunit hindi sumuko dahil sa kanyang pagmamahal sa lalaking nagparamdam sa kanya ng tunay na kahulugan ng pag-ibig.

Nang dahil sa mga kinakaharap na problema, sumali si Mae sa isang grupo ng mga hikers sa paniniwalang maliliwanagan ang kanyang isip sa mga bagay-bagay na bumabagabag sa kanya. Sa pag-akyat nila ng Mt. Daraitan, nakilala niya si Pio (Patrick Garcia) na naging kasintahan niya dahil na rin sa walang sawa nitong panliligaw sa kanya.

Nang mabuntis si Mae, nag-propose agad si Pio sa kanya at nangakong pananagutan ang batang nasa kanyang sinapupunan. Ngunit biglang masisira ang lahat ng kanilang plano sa buhay nang ma-diagnose si Pio ng Viral Encephalitis, isang sakit na nakakapagbura sa mga alaala ng taong meron nito.

Sa takot na mawala sa kanya ang taong pinakamamahal at magiging tatay ng kanyang anak, ginawa ni Mae ang lahat para hindi makalimutan ni Pio ang tungkol sa kanilang love story.

Makayanan kaya ni Mae ang panibagong pagsubok na ito?

Bukod kina Erich at Patrick, makakasama rin sa MMK episode na ito sina Mickey Ferriols, Glenda Garcia, Alvin Anson, Simon Ibarra, Joshua Zamora at Lemuel Pelayo. Ito’y sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar at sa panulat ni Mary Rose Colindres.

Napapanood pa rin ang MMK tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN pagkatapos ng Little Big Shots.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement