Quantcast

Aga: May mga artistang nang-api sa akin noong nagsisimula ako!

By

AGA MUHLACH

PURING-PURI si Aga Muhlach ng mga co-stars niya sa pelikulang “Seven Sundays” under Star Cinema na showing na ngayon sa mga sinehan.

Walang masasabing nega sina Dingdong Dantes, Cristine Reyes, Enrique Gil at Ronaldo Valdez kay Aga, bukod daw kasi sa napaka-professional nito ay napakabait din ng aktor sa production, lalo na sa mga maliliit na trabahador ng Star Cinema.

“It’s flattering and, at the same time, it’s embarrassing when you’re being praised in front of madaming tao. But, you know, I’ll take it. Thank you, maraming salamat.

“In my experience, and even with my co-actors, wala akong inaaway, wala akong kinaiinggitan,” ang pahayag ni Aga sa nakaraang presscon ng “Seven Sundays”.

Dito rin inamin ni Morning na nakaranas din siya ng pang-aapi mula sa ilang artista na nakatrabaho niya noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

“Naramdaman ko rin, kasi dati, meron ding mga artistang nang-api sa akin nu’ng bago pa lang ako. May nakita akong…kapag bagong sikat, makikita mo yung attitude nila na parang dadaanan ka na, parang, ‘Ba’t ganu’n?’” sey pa ng mister ni Charlene Gonzales.

Mula raw noon, palagi niyang sinasabi na kailangang maging mabait siya sa kanyang mga katrabaho para walang masabing masama sa kanya.

“Basta sinabi ko lang nu’n, nagdiin sa utak ko, yung sabi ko, ‘Pag ako nakapuwesto ako nang maganda, ‘yan ang hindi ko gagawin habang buhay.’ So, lahat ng nakasama ko, kahit mga bago, kahit matandang artista, ‘yung paggalang ko bilang tao, hindi ko iaalis yun.”

Nang tanungin si Aga kung sino ang mga artistang nang-api sa kanya noon, “Wala na sila. Wala na sila.”

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement