Kung wala si Kiko sa buhay ko, isa lang ang babalikan ko!- Sharon | Bandera

Kung wala si Kiko sa buhay ko, isa lang ang babalikan ko!- Sharon

|October 12,2017
facebook
share this

Kung wala si Kiko sa buhay ko, isa lang ang babalikan ko!- Sharon

- October 12, 2017 - 12:01 AM

ROBIN PADILLA AT SHARON CUNETA

BAGO pa man batuhin ng kung anu-anong masasakit na salita mula sa mga netizens, nagpasintabi na si Megastar Sharon Cuneta sa pagbabalik-tanaw niya sa love story nila ni Robin Padilla.

Nag-post kasi si Sharon sa Facebook at Twitter ng mahabang mensahe tungkol sa pinagsamahan nila noon ng kanyang ex-boyfriend na si Binoe. Samu’t saring komento ang nabasa namin mula sa followers ng TV host-actress, may nagalit at may na-bad trip, pero meron din namang kinilig.

Siyempre, may na-offend din para sa asawa ni Sharon na si Sen. Kiko Pangilinan at sa misis ni Robin na si Mariel Rodriguez.

Narito ang ilang bahagi ng FB post ng Megastar: “Huwag sana masamain at bigyan ng malisya ng ibang tao ang pag-post ko ng photos at mga kuwento namin ni Robin.

“He happens to be the closest to me among my exes, and truth be told, it took a long time – many years – for us to reach this stage dahil sa hindi masasayang parte ng history namin, kaya mahalaga sa akin ang maalagaan ang friendship namin na ito. Si Robin ang laging dumadamay sa akin at nasusumbungan ko.

“Siya ang nakakagulat na handang sumuporta sa mga trabaho ko. When my Mommy died, siya lang ang nagpunta sa wake ng dalawang beses at nag-attend ng mass among all my exes. Wala akong ex na maituturing kong totoong naging friend ko after breaking up, except for Rowell.

“But I am closer pa yata to Kuya Randy than to him now. Huwag po kayong mag-alala. Sa 26 years naming magkakilala ni Robin, sa unang 5 years noon ay ilang beses niya ako sinubukan balikan pero di ko po talaga kinaya kahit gusto ko. Kaya kung gusto ko siya as a lover or husband at di ako takot, sana noon pa!

“Mula nu’ng bata ako NEVER po akong nagpakita ng motibo o humabol o lumigaw sa mga naging boyfriends ko. Kahit siguro tanungin niyo silang lahat, pati na rin mga direktor ko at kasama sa shooting, sasabihin nila totoo po yun. Pati si Kiko tanungin niyo!

“Kasi di naman ako gandang-ganda sa sarili ko at nagugulat pa nga ako pag may nai-in-love sa akin na di ko ini-expect noon! Alam nila yan.

“At ako kasi ayoko nung wala akong satisfaction kung di ako ang niligawan at minahal talaga, kasi eh di buong relationship namin takot ako kasi di naman siya ang unang nagkagusto sa akin!

“I am very happy for Robin and Mariel and their new family. I know how much Robin loves her and he knows how precious my family is to me, too. Please, ang tanda na namin! Hahaha!

“”I have been and will continue to post photos and maybe more kuwentos about us so that this new generation will know that during our time, para siguro kaming sina Kathniel o Lizquen o Jadine ngayon.

“And also more importantly, for our fans who grew up with us and fell in love with our movies and team-up. I love him and he loves me, pero wala na po kaming ‘M’ (malisya! Hahaha!) sa isa’t isa. We just want to make you happy and enjoy working together again.

“So relax lang po! Mahal ko po si Robin pero kung wala si Kiko sa buhay ko, ang babalikan ko isa lang. Hindi na rin puede kasi may asawa na rin siya. At sorry, di niyo po ever malalaman kung sino at di niyo kilala.

“May MOVIE po kaming bago after so many years! So I hope kung mahal niyo kahit siya lang, instead of putting malice in my posts, you help us na lang and our movie po!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Para din sa mga pamilya at sa aming dalawa ang anumang magiging success ng project na yon. Okay po?! Peace and love, everyone! God bless us all.” ang huling mensahe ni Sharon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending