In-love sa kaibigang tomboy

By Joseph Greenfield October 11,2017
share this

In-love sa kaibigang tomboy

By Joseph Greenfield October 11,2017
share this

Sulat mula kay Karla ng Telegrafo, Tolosa, Leyte
Dear Sir Greenfield,

May kaibigan ako at siya ay bestfriend ko pero unti-unti nang nahuhulog ang loob ko sa kanya. Makuwento kasi siya at lagi niya akong nillibre kaya lalong napapalapit ang loob ko sa kanya. Sa ngayon ay nararamdaman kong nagkakagusto na ako sa kanya kaya lang may iba siyang girlfriend. At ang isa pa, tomboy po siya. Ask ko lang, Sir Greenfield, may chance kaya na maramdaman niyang may gusto ako sa kanya at ako naman ang kanyang mahalin sa halip na ang GF niya sa ngayon? What I mean, darating kaya ang panahon na liligawan nya ako at makikipag-break siya sa girlfriend niya para maging kami? December y 12, 1992 ang birthday ko at Nobvember 27, 1990 mana siya.
Umaasa,
Karla Leyte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang ang malinaw na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ito ay tanda na kung sino ang unang magiging karelasyon mo, tomboy man siya o lalaki, possible siya na rin ang “last” hanggang sa tuluyan mong makasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.
Cartomancy:
Four Hearts, Nine of Clubs at Queen of Spades ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa umpisa magiging magulo ang sitwasyon dahil nga may lehitimong girlfriend ang tomboy na nagugustuhan mo. Maaaring pagsabayin niya kayo. Pero darating ang panahong mamimili din ang tomboy na ‘yan ng tunay niyang mamahalin at sa bandang huli ikaw rin ang kanyang pipiliin.
Itutuloy…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending