Quantcast

OFWs sa HK iba-blacklist

By

MALAKING problema ngayon ng mga opisyal ng ating embahada at konsulado ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa ang paglipat-lipat ng ating mga OFW.

Madali kasi silang makumbinsi na may mas magandang trabaho, mas malaking pasuweldo at may magandang kinabukasan sa bagong bansang lilipatan.

Titimbang-timbangin nila ang maraming mga pribilehiyo at bentahe ng paglipat lalo pa kung may tsansang makuha at makasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Pero hindi ito madali. Ito ngayon ang problema sa Hong Kong.

Napakaraming nagsasamantala sa mga dayuhang manggagawa roon, hindi lamang sa mga Pinoy, pati na rin ang ibang lahi.

Alam kasi ng mga recruiter doon na madaling kumbinsihin ang mga naroroon na, ang mga dati nang nag-aabroad dahil handa silang sumubok ng iba pang mga oportunidad kung mabibigyan lamang ng pagkakataon. Yun bang laban lang nang laban!

Kaya nga dahil diyan lumabas ang terminong “third country recruitment” sa Hong Kong.

Naalarma na pati ang Hong Kong government sa nagiging kalakaran doon. Mabilis iyong isinasagawa at malaking halaga ng recruitment fees ang binubuno naman ng ating mga kababayan bilang kabayaran makalipat lamang sa ibang bansa.

At ang malungkot na epekto nito, hindi na nila iginagalang ang umiiral pa at napirmahang mga kontrata. Basta na lamang nilang tatalikuran iyon, iiwan ang kanilang mga employer at aalis patungo sa bagong bansang lilipatan.

Natural lamang na ikinagagalit iyon ng mga employer.

Hindi sila bibigyan ng good release dahil nga naman sinasadyang pag-balewala nila iyon sa kanilang mga kasunduan.

Ikinagulat din ng ilang mga foreign embassy at consulate officials sa HK kung bakit nag-aaplay patungo sa ibang bansa ang mga domestic helpers gayong may mga kontrata pa naman sila sa kanilang mga amo.

Kaya iyon din ang nagbunsod sa kanila para higpitan ang pagbibigay ng work permit or working visa sa mga nagtatrabaho roon.

Para sa ating mga OFW, kailangang bumalik muna sila sa Pilipinas para doon isumite ang kanilang mga application sa panibagong bansang pagtatrabahuhan.

Dahil diyan naglabas din ng mahigpit na babala ang Hong Kong government na haharap sa “blacklisting” ang mga manggagawang sadyang pinuputol ang kanilang mga kontrata.

Ibig sabihin, kapag “blacklisted” ang isa, hindi na siya papayagang makabalik sa Hong Kong.
May mga bansang palilipasin muna ang ilang mga taon para makapasok muli sa bansang iyon at nang ma-lift ang ban sa kanila.

Paalala ni Labor Attache’ Jolly dela Torre ng Konsulado ng Pilipinas sa HK, seryosohin at tapusin muna ang mga kontratang napirmahan at huwag agad-agad magpapadala sa mga alok ng paglipat sa ibang bansa.

Hindi lamang iyon sa isang kapirasong papel kundi nakataya ang kaniyang pangalan at integridad sa papel na iyon!

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM(M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziqHelpline: 0998.991.BOCW E-mail: bantayocwfoundation@yahoo.com/susankbantayocw@yahoo.com

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement