Quantcast

Socialite balik drug business

By

MASAMA ang loob ng ilang mga kaibigan ng isang kilala at sosyalerang personality dahil nagbalik ito sa kanyang masamang gawain.

Sinabi ating Cricket na tambay sa ilang mga bars at party venues na balik sa pagtutulak ng droga ang personalidad na bida sa ating kwento ngayong araw.

Tila binalewala raw nito ang pagmamagandang loob ng ilang mga tao na nakapaligid sa kanya na ang iba ay nagbigay pa ng lugar na kanyang tinirhan noong kaiinitan ng anti-drug campaign ng pamahalaan.

Sinabi ng ating Cricket na tila mahihirapan nang umalis sa kanyang  ilegal na gawain ang celebrity na ito.

Wala raw kasi siyang ibang raket sa kasalukuyan dahil wala na ring nag-aalok sa kanya ng TV shows o iba pang projects nang mapasama ang pangalan niya sa mga personalidad na dawit sa illegal drug trade.

Pati ang ilang mga product endorsements ay nawala sa kanya nang dahil sa droga.

At dahil kailangan niyang mapondohan ang kanyang maluhong pamumuhay kaya nagbalik ito sa masamang gawain.

Idagdag pa rito ang pagtayo niya bilang bread winner makaraan niyang pakasalan sa isang seremonya ang kanyang boyfriend na matagal na niyang karelasyon.

Kilala sa hanay ng mga sosyal sa balat ng entertainment industry ang bida sa kwento natin ngayong araw.

Hindi naman siya nawawala sa social gatherings pero sinabi ng ating Cricket na ang mga rich friends din niya ang madalas na taya sa mga events na pinupuntahan nila.

Kung baga sa salitang kanto ay lagi na lamang “sabit” sa mga sosyalan ang ating bida.

Ang personalidad na sinasabing balik sa kanyang ilegal na gawain ang pagtutulak ng droga at party drugs ay si Mr. T….as in Tulak.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement