Quantcast

Ang ka-chat na bang tomboy ang makakatuluyan? (2)

By

Sulat mula kay Rhianne ng Lasang, Riverside, Davao City
Problema:
1. May ka-chat po akong tomboy sa ngayon at dalawang beses na kaming nagkita. Marami siyang ipinangako at ibinigay sa akin kaya madaling nahulog ang loob ko sa kanya. Itatanong ko lang kung siya na ba ang makakatuluyan ko? Sa mga lalaki kasi malas ako, tatlong beses na akong nakikipag-boyfriend pero lagi naman akong iniiwan at niloloko hindi umaabot sa isang buwan ang relasyon namin. Siguro mas liligaya ako sa tomboy na kaibigan ko sa ngayon kasi inaaya nya na akong magsama na raw kami para mapatunayan nyang mahal na mahal nya daw ako. Tama ba na makipag-live in na ako sa kanya at compatible ba kami. October 30, 1990 ang birthday ng kaibigan kong tomboy at November 9, 1993 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Rhianne ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign niyong kapwa kayo Scorpio (Illustration 2) ay nagsasabing compatible at tugma talaga kayong dalawa, dahil ang parehong Scorpio ay parehong may elementong water o tubig, kaya naman suwetong-suweto sila sa isat-isa.
Numerology:
Habang ang birth date mong 9, ay nagsasabing bukod sa zodiac sign tugma din kayo sa Numerology ng kaibigan mong tomboy na may birth date na 30, dahil ang 30 at 9 ay parehong sakop ng numerong tinatawag na “divisible by 3, series of 3-6-9”.
Graphology:
Ang lagda mong malinaw na malinaw at may mahabang straight line at may tamang-tama lang na bilog sa lower loop, ang nagsasabing sa pag-aasawa may biglang suwerteng magaganap at sa pag-aasawa tiyak na yayaman ka at habang buhay ng uunlad at magiging maligaya.
Huling payo at paalala:
Rhianne ayon sa iyong kapalaran, hindi mo na nga maiiwasan pa ang tomboy na kaibigan mo, higit lalo kung siya ay mapera, dahil siya na nga ang nakatakda mong makasama. Kaya nga kung tumutugon sa nasabing diskripsyon ang kaibigan mong tomboy, may kaya sa buhay at nagtataglay ng initial E.O, tulad ng nasabi na, siya na ang nilalang na iyong mapapngasawa at kahit sabihin pang same sex kayo, wala silang magagawa, dahil nakatakda na ngang kayo ang magsasama at habang buhay na magiging maligaya.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement