Empoy binansagang bagong Rene Requiestas; Shy Carlos bigay na bigay sa halikan | Bandera

Empoy binansagang bagong Rene Requiestas; Shy Carlos bigay na bigay sa halikan

Ervin Santiago |October 10,2017
facebook
share this

Empoy binansagang bagong Rene Requiestas; Shy Carlos bigay na bigay sa halikan

Ervin Santiago - October 10, 2017 - 12:05 AM


BUKOD sa taguring The New Pogi sa mundo ng showbiz, tinatawag na rin ngayong bagong Rene Requiestas ang box-office star na si Empoy Marquez.

Sa trailer kasi ng bagong pelikula ni Empoy na “The Barker” nagkakaisa ang ilang miyembro ng entertainment media na hindi imposibleng marating din ng komedyante ang tagumpay ni Rene sa larangan ng comedy.

Mas nailabas pa raw ng direktor ng pelikula na si Dennis Padilla ang pagiging “heartthrob comedian” ni Empoy na siguradong mas mamahalin at mas magugustuhan ng manonood.

At tulad ng yumaong komedyanteng si Rene Requiestas, puro magaganda rin ang itinatambal ngayon kay Empoy. Pagkatapos ni Alessandra de Rossi sa blockbuster movie na “Kita Kita”, ang tisay at seksing si Shy Carlos naman ang makaka-loveteam ni Empoy sa “The Barker”.

Ilang beses na ring napanood si Shy sa mga pelikula ng Viva Films at ni-launch na nga recently sa pelikulang “Ang Pagsanib Kay Leah dela Cruz” pero ngayon lang din siya nagbida sa isang romantic-comedy film.

Inaasahang mas bobongga ngayon ang career ni Shy kapag tumabo sa takilya ang unang project nila ni Empoy together. In fairness, trailer pa lang ng movie ay pinag-uusapan na ng madlang pipol, at ang ingay-ingay na rin nito sa social media matapos makakuha ng libu-libung likes at views.

Napakaswerte rin daw ni Empoy dahil game na game na nakipaghalikan sa kanya si Shy. At hindi lang isa o dalawa ang kissing scene nila, kundi sandamakmak! Sey nga ng dalaga, isang kakaibang experience ang makagawa ng isang romcom na pelikula kasama ang tinaguriang The New Pogi.

Papuri pa ni Shy kay Empoy na nakatrabaho na rin niya noon sa mga programa ng TV5, “Walang pagbabago sa ugali ni Empoy, pareho pa rin siya, at naniniwala ako na Empoy is the new pogi.

“Sobrang attractive yung isang person na confident at hindi takot na ipakita yung totoong karakter niya. Attractive yun, oo, may attraction kay Empoy,” aniya pa.

Samantala, muli ngang masusubukan ang magic at karisma ni Empoy “The Barker”. Fresh from the success of the mega-hit movie “Kita Kita”, Empoy will once again delight his new legions of followers with his very own brand of comedy at kakaibang style ng pampakilig.

Sanib-pwersa sa “The Barker” ang pagiging magaling na komedyante nina Empoy at Dennis na talagang tinutukan ang kanilang proyekto mula sa conceptualization hanggang sa kanilang last taping day.

“Kahit na this is my first time na magdirek, I never encountered any difficulties naman. Napakagaan na katrabaho ni Empoy. Para nga kaming naglalaro lang sa set. You will see it sa entire movie, yung good vibes, yung fun…everything!” chika ni Dennis.

Ang “The Barker” ay co-production ng VIVA Films at Blank Pages Productions na nakilala sa pagpo-produce ng mga movie based on true events na may social relevance, since its founder, Arlyn dela Cruz, is a veteran journalist.

Makakasama rin dito nina Empoy at Shy sina Jeric Raval, Wilma Doesnt, Ronnie Lazaro, Janice Jurado at ang The Greatest Love power couple na sina Sylvia Sanchez at Nonie Buencamino with the newcomers Jemina Sy and Raffy Reyes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na ang “The Barker” sa Oct. 25 sa mga sinehan nationwide.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending